Advertisers
SINOPLA ng Malakanyang ang mga ulat na posibleng ilagay ang National Capital Region (NCR) Plus sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, malabo pang luwagan ang quarantine restrictions sa NCR Plus sa halip ay isasailalim ito sa “ordinary” GCQ simula sa Hunyo 16.
Sa ngayon ay umiiral ang GCQ “with restrictions” sa NCR plus at magtatapos hanggang ngayong araw, Hunyo 15.
Nilinaw ni Roque, mataas pa rin ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa at hindi pa rin nakakabalik sa dating numero bago pumasok ang mga bagong variants ng virus.
Bago napasok ang Pilipinas ng mga new COVID-19 variant, pumapalo lamang sa 1,000 ang COVID-19 cases kada araw. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)