Advertisers

Advertisers

Sara kay Leni: Wala kang alam sa COVID-19 sa Davao City

0 238

Advertisers

PUMALAG si Davao City Mayor Sara Duterte kay Vice President Leni Robredo matapos batikusin ang Davao City dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

Ani Mayor Sara, walang alam si Robredo sa tunay na nangyayari sa ground.

Sa pahayag kasi ni Robredo, sinabi nito na dapat na tingnan ng Davao City ang Cebu City na nakipagtulungan sa pribadong sektor at ang aktibong presensya ng medical community kung kaya napagtagumpayan ang pagsugpo ng paglaganap ng COVID-19.



Sinabi ni Mayor Sara, hindi alam ni Robredo ang sakripisyo ng medical community sa Davao City na tahimik lamang na nagtatrabaho.

“The Vice President should refrain from giving advice if she knows nothing about what is happening on the ground. This has been the hallmark of her term as VP, where she puts forth comments on matters and affairs she lacks understanding and knowledge on and does not offer anything helpful to solve a problem. The private sector has been very helpful and has tremendously contributed to the Covid-19 response in Davao City,” pahayag ni Mayor Sara.

Sinabi pa ng alkalde na dapat nang itigil ni Robredo ang pamumulitika.

Tiyak aniyang may tamang panahon ang pangbabatikos lalo na kung magdedeklara si Robredo na tatakbong pangulo ng bansa.

Nabatid na 213 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Davao City mula June 1 hanggang 7.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">