Advertisers

Advertisers

Trillanes ‘di tatakbo para suportahan ang presidential bid ni Robredo

0 210

Advertisers

NAKAHANDA si dating Sen. Antonio Trillanes III na hindi tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2022 elections upang suportahan ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Trillanes, nakadepende kay Robredo ang kanyang magiging plano sa 2022 elections.

Sina Robredo at Trillanes ay kabilang sa mga nominees ng anti-administration coalition group na 1SAMBAYAN.



“I keep on mentioning that my decision to run for office is hinged on the decision of VP Leni. On the assumption she gets picked as presidential nominee of 1Sambayan, it’s her prerogative to choose her running mate,” ani Trillanes.

Gayunman, nakahanda naman siya tanggapin kung aalukin siya na maging Bise Presidente ni Robredo.

Una nang sinabi ni Robredo na hindi siya tatakbo bilang Gobernador ng kanyang hometown na Camarines Sur subalit hindi pa rin isinasara ang posibilidad na tumakbo sa pinakamataas na posisyon.

Hinimok din ni Trillanes ang mga kapwa niya nominees sa 1SAMBAYAN na maagang magdeklara kung tatakbo o hindi dahil nakataya dito ang demokrasya ng bansa.

Bukod sa dalawa, nominees din sina Sen. Grace Poe, Batangas Rep. Vilma Santos Recto, Atty. Chel Diokno at Cibac Party list Rep. Bro. Eddie Villanueva. (Jonah Mallari)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">