Advertisers
MALUGOD na tinanggap ng isang abogado ang bayad na mga alimango ng kanyang kliyente sa Sorsogon.
Kinilala ang nasabing abogado na si Attorney Noel Allen Bose.
Sa ulat, sinabi ng kliyente ni Bose na wala silang perang pambayad pagkatapos ng isang hearing sa malayong korte.
“Atty. Wala akong pambayad ng appearance fee mo. Pwede po ba yung huli nalang namin ang ipambayad ko sa inyo?,” pahayag ng kliyente ni Atorni Bose.
Malugod na tinanggap ni Bose kung ano lang ang nakayanan ng kanyang kliyente kaya laking pasasalamat ng mga ito sa kanya.
Ang post ng abogado ay nag-trending sa social media, umani ng mga paghanga sa kababaang loob nito.