Advertisers

Advertisers

B-day boy pinatay sa harap ng nobya

0 342

Advertisers

PATAY ang isang binata sa araw mismo ng kanyang kaarawan nang pagbabarilin sa harapan ng nobya ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa bayan ng San Mateo, Isabela, Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jay-r Caballes, 25 anyos, residente ng Barangay Daramuangan Norte sa nabanggit na bayan.

Sa ulat, matapos ipagdiwang ng biktima ang kanyang kaarawan sa bahay ng kanyang lola, nagpasya itong tumambay muna sa isang irigasyon kasama ang kasintahan. Dito sumulpot ang dalawang hindi kilalang lalaki at agad na binaril ng malapitan ang biktima na napuruhan sa kanyang kaliwang mata.



Isinugod ang biktima sa pagamutan subali’t idineklara na dead-on-arrival.