Advertisers

Advertisers

Itinutulak ng kongresista…ONLINE FILING NG COC!

0 266

Advertisers

ISINUSULONG ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez na gawing online ang filing ng certificate of candidacy (COC).

Ayon sa mambabatas, para sa kapakanan ng kalusugan sa gitna ng pandemiya mas mainam na gawin na rin online ang pagsusumite ng COC.

Diin pa ng mambabatas maghahain siya ng panukala kung saan nakasaad na maaaring personal o via online ang paghahain ng COC.



Batay sa calendar of events na inilabas ng Commission on Elections (Comelec), sisimulan ang filing of COCs sa October 1 hanggang 8.
Bukod sa online filing ng COC ay una nang ipinanukala ni Rodriguez ang online voter’s registration.

Samantala, sinabi naman ng Comelec na pag-aaralan ang posibilidad na payagan ang online filing ng COC para Halalan 2022.

Ayon kay Comelec Commissioner Marlon Casquejo sa pagdinig sa Kongreso, hindi pinapayagan ng batas ang mga kandidato na maghain ng kanilang kandidatura online at sa halip ay dapat personal na magtungo sa tanggapan ng Comelec.

Pero sinabi naman ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez na ang naturang probisyon ay maaaring ” i-wave ng Comelec para sa interes ng serbisyo publiko” sapagkat ang bansa ay nasa isang pandemya pa rin. (Henry Padilla/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">