Advertisers

Advertisers

Pagpadala ng OFWs sa Oman tigil muna

0 247

Advertisers

INANUNSYO ng Department of Labor and Employment ( DOLE) ang pansamantalang pagtigil ng deployment ng mga overseas Filipino workers (OFWs) patungong Oman.

Ang naturang anunsiyo ni DOLE Secretary Silvestre Bello III ay matapos mapasama ang Pilipinas sa mga bansa na kabilang sa travel ban ng Oman.

Saad ni Bello sinabihan ang kanyang tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Lunes para ipabatid ang impormasyon na ito.



Dahil dito, ang DFA ay inirekomenda rin ang pagdeklara nang pansamantalang suspensyon sa deployment ng mga OFWs sa Oman.

Gayunman, hindi naman binanggit pa ni Bello ang pinaka-dahilan kung bakit sinuspinde muna ng Pilipinas ang deployment sa Oman at kung kailan ito magsisimula. (Josephine Patricio)