Advertisers

Advertisers

Paninita sa hindi pagsuot ng face shield tuloy – PNP

0 421

Advertisers

NAKAANTABAY ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa magiging pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa polisiya ng mandatory na pagsusuot ng Face Shield.

Sinabi ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, wala pang pormal na kautusan ang IATF hinggil sa nasabing usapin kaya’t tuloy pa rin sila sa paninita sa mga lalabag.

Base sa umiiral na guidelines, kailangan pa rin ang pagsusuot ng face mask at face shield sa mga enclose spaces tulad ng Malls, Opisina, Simbahan at mga pampublikong transportasyon.



Dahil dito, bukod sa paninita ay pagmumultahin din ang mga makikitang hindi nagsusuot ng face shield depende sa pinaiiral na ordinansa ng mga lokal na pamahalaan.

Nagpaalala naman si Eleazar sa mga pulis na huwag mananakit ng mga lumalabag sa quarantine protocols sa halip ay mamahagi ng face mask o face shield kung kinakailangan.