Advertisers

Advertisers

Ammonia tumagas sa cold storage facility sa Caloocan

0 196

Advertisers

MASUWERTENG walang nasaktan sa pagtagas ng ammonia sa isang cold storage facility sa Dagat-Dagatan, Caloocan City. Miyekoles ng gabi.

Sa ulat, 7:30 ng gabi nakita ang puting usok na sumisingaw mula sa gusali ng Orca Cold Solution sa Tanigue Street sa Barangay 14.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), unang inakala ng guwardiya na may sunog, pero nalamang ammonia leak na pala ito.



Agad inilikas ang mga nagtatrabaho sa gusali.

Rumesponde ang mga bombero bago mag-8:00 ng gabi. Pinatay ang mga main at secondary valve na dinadaanan ng nakalalasong kemikal.

Dineklara itong contained o napigilan bandang 8:31 o matapos ang kalahating oras.

Natukoy ang tagas sa isang secondary valve sa labas ng 2nd floor ng tatlong palapag na gusali.

Ayon sa BFP, hindi pa tuluyang nagbubukas ang storage facility dahil nasa testing and commissioning stage pa ito.



Pinayagan nang bumalik ang mga trabahador pero pinaiiwas sa kanila ang bahaging naapektuhan ng tagas.

Magsasagawa ng inspeksyon ang Safety Enforcement Unit ng Caloocan fire station.

Matatandaang nitong Pebrero, namatay ang 2 trabahador ng isang ice plant sa Navotas City at naospital ang 90 katao kasunod ng ammonia leak sa planta.

Noong Mayo, nagkatagas din sa isang planta ng yelo sa Parañaque pero walang nasaktan. (Beth Samson)