Advertisers
PAVIA, Iloilo – Patay ang 64- anyos na lola nang magulungan ng 10-wheeler truck sa Barangay Aganan, Pavia, Iloilo, Martes ng hapon.
Nakilala ang biktima na si Maria Tejada at nakatira sa lugar.
Sa ulat ng Pavia Police, biglang tumawid ang matanda sa kalsada at hindi namalayan ng driver dahilan upang magulungan ito ng truck.
Kaagad na dinala sa ospital ang biktima pero makaraan ang ilang oras ay namatay ito habang ginagamot.
Samantala, nasa kustodiya na ng Pavia Police ang driver ng truck nang sumuko sa mga awtoridad.