Advertisers

Advertisers

11 lugar na positibo sa red tide – BFAR

0 219

Advertisers

NAGBABALA ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na positibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide ang 11 lugar sa bansa.

Ayon sa pinakahuling shellfish bulletin ng ahensya, delikadong kainin ang lahat ng uri ng shellfish kabilang na ang alamang na galing sa mga baybain ng: Irong-Irong Bay, Cambatutay Bay at coastal waters ng Daram Island sa Western Samar; Cancabato Bay, Tacloban City in leyte; Lianga Bay at Bislig Bay sa Surigao Del Sur; Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental; Murcielgaos Bay sa Zamboanga Del Norte; Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental; coastal waters ng dauis at Tagbilaran City in bohol; Coastal waters ng Calubian sa Leyte.

Binigyan diin naman ng BFAR na ligtas kainin ang mga lamang dagat tulad ng isda, pusit at hipon basta’t lulutuin at lilinisan ng mabuti. (Josephine Patricio)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">