Advertisers

Advertisers

Bangsamoro Parliament kay PNoy: Walang pagod nagsulong sa kapayapaan sa Mindanao

0 234

Advertisers

INILARAWAN bilang lider na walang pagod nagsulong ng kapayapaan sa rehiyon ng Mindanao para sa mga Bangsamoro si yumaong dating Pangulong Noynoy Aquino.

Binigyan-diin ito ng Bangsamoro parliament matapos i-adopt ang resolusyon na isinulong ng Bangsamoro Transition Authority bilang pakikisimpatiya at pagpapaabot ng pagdadalamhati sa pamilya ni dating Pangulong Aquino.

Nakasaad sa resolusyon ang commitment ng dating pangulo para makahanap ng solusyon sa kaguluhan sa Mindanao na nagbigay daan sa anito’y breakthrough sa Bangsamoro peace process.



Kabilang dito anila ang negosasyon sa MILF naging daan nang paglagda sa comprehensive agreement on the Bangsamoro.

Ayon pa sa BTA maaalala ang dating Pangulong Aquino bilang Chief Executive na naglatag ng pundasyon ng kasalukuyang Bangsamoro government at nagsulong ng maraming reporma sa buong Muslim Mindanao region.