Advertisers

Advertisers

EX-PNP CHIEF VERZOSA, 5 PA KULONG NG 8 YRS!

Guilty sa pagbili ng P131.55m rubber boats

0 1,525

Advertisers

HINATULAN ng Sandiganbayan na makulong ng anim hanggang walong taon si dating Philippine National Police (PNP) Chief Jesus Verzosa at limang iba pa.

May kaugnayan ito sa kasong graft dahil sa maanomalyang pagbili ng rubber boats at motor boats noong 2009 na nagkakahalaga ng P131.55 million.

Nabatid na idinaan ito sa “negotiated procurement” at hindi sa “mandatory public bidding.”



Maliban kay Verzosa, convicted din sa kaso sina dating PNP Deputy Director General Benjamin Belarmino Jr., dating PNP Deputy Dir. Gen. at PNP BAC head Jefferson Soriano (incumbent Tuguegarao City mayor), dating BAC vice chair Luizo Ticman, dating BAC member Romeo Hilomen, at dating PNP Maritime Group Dir. Villamor Bumanglag.

Maliban sa pagkakakulong, pinagbabawalan narin ang naturang mga personalidad na humawak pa ng anumang posisyon sa gobyerno.