Advertisers
NAKATAKDANG bumalik si Marck Espejo sa Japan V. League matapos lumahok sa FC Tokyo bago ang 2021-22 season.
Inanunsyo ng Cignal HD Spikers, mother club ni Espejo sa Spikers’ Turf, na ang five-time UAAP MVP ng Ateneo ay maglalaro sa kanyang second season sa Japan League ng tatlong taon.
Ang season ay magsisimula sa October.
Unang sumalang si Espejo sa overseas noong 2018 sa Oita Miyoshi, na tinapik ang kapwa Filipino Spiker Bryan Bagunas bilang import sa nakalipas na dalawang taon.
Puntirya ng FC Tokyo na mapaganda ang kanilang dating rekord na nagtapos eight place na may 8-27 win-loss rekord sa 2020-21 season.
Ito ang ika-apat na international stint ni Espejo. Ang 24-year old spiker ay huling naglaro sa Bani Jamra sa Bahrain mula November 5, 2020 hanggang January.
Sina Espejo at Bagunas ay parehong naging bahagi ng 20-miyembro ng Philippine men’s volleyball pool para sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam.