Advertisers

Advertisers

10-M NA NATURUKAN VS COVID-19

0 390

Advertisers

SINABI ng Department of Health (DOH) na nakapagturok na ang Pilipinas ng mahigit sa 10 milyong doses ng COVID-19 vaccines sa mga mamamayan.

Ito’y halos apat na buwan simula nang umpisahan ng pamahalaan ang COVID-19 vaccination program noong Marso.

Sa datos na inilabas ng DOH nitong Lunes, nabatid na hanggang nitong Hunyo 27, ay umaabot na sa kabuuang 10,065,414 doses ng bakuna ang naiturok nila sa mga mamamayan.



Sa nasabing bilang, 7,538,128 ang first doses habang 2,527,286 naman ang second doses o fully vaccinated na.

Kabilang sa nabigyan ng first dose ng bakuna ay 1,669,660 na health workers; 2,288,221 na senior citizens; 2,566,460 na persons with comorbidities; 829,662 na economic frontliners at 184,125 na indigents.
Kabilang naman sa mga nakakumpleto na ng dalawang dose ng bakuna o fully vaccinated na ay 1,131,498 na health workers; 672,602 na senior citizens; 710,846 na persons with comorbidities at 12,340 na economic frontliners.

Nabatid din na sa nakalipas na pitong araw, ang average daily administered doses ng bakuna ay umabot ng 236,867.

Matatandaang target ng pamahalaan na makapagturok ng mula 58 milyon hanggang 70 milyong bakuna bago matapos ang taon upang makamit ang herd immunity laban sa COVID-19.

Gayunman, limitado pa rin ang suplay ng bakuna sa bansa.



Tiniyak naman ng pamahalaan na sa sandaling magdatingan na sa mga susunod na buwan ang milyun-milyong bakuna na donasyon mula sa COVAX facility, gayundin ang mga bakunang binili nila mula sa mga manufacturers, ay kaagad nila itong ituturok sa mga mamamayan upang maprotektahan sila laban sa COVID-19. (Andi Garcia)