Advertisers

Advertisers

Ilang senador binaril ang ideya ni Duterte na armasan ang mga sibilyan

0 241

Advertisers

MARIING tinutulan ng ilang senador ang ideya ni Pangulong Duterte na pag-aarmas ng mga sibilyan sa bansa.

Ayon kay Senator Panfilo Lacson, lubhang mapanganib ang ideya dahil maaring magresulta ito sa mas maraming krimen at aniya kulang sa pagsasanay sa paggamit ng armas ang mga sibilyan.

Ani Lacson ang nararapat ay higpitan pa ang ‘gun control measures’ sa bansa.



Sinabi naman ni Senate Presidente Vicente Sotto III, hindi sapat ang pagpapalabas lang ng executive order para sa pag-aarmas ng sibilyan at aniya ang kailangan ay amyendahan ang Firearms Law sa bansa.

Tutol din si Senate Minority Leader Frank Drilon sa nasabing ideya ni Pangulong Duterte.
Halos katulad naman ng posisyon ni Lacson ang posisyon ni Sen. Koko Pimentel.

“On the contrary, rules on gun ownership must be made stricter. The laws against unlicensed firearms must be strictly enforced. Train the police better. Hire more policemen if necessary,” ayon kay Pimentel.

Samantala, kapwa man naging hepe ng pambansang pulisya, magkaiba ang posisyon nina Sen. Lacson at Senador Ronald dela Rosa ukol sa ideya ni Pangulong Duterte na pag-aarmas sa sibilyan.

Para kay Sen. dela Rosa, wala naman siyang nakikitang problema sa ideya ni Pangulong Duterte at sinabi lang niya na dapat ay istriktong pangasiwaan ang pag-aari at paggamit ng baril ng mga sibilyan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">