Advertisers

Advertisers

VP Leni kontra rin sa panukalang pag-armas sa sibilyan

0 210

Advertisers

TAHASANG kinondena ni Bise Presidente Leni Robredo ang panukala ng Pangulong Rodrigo Duterte na pag-aarmas sa civilian organizations bilang tulong sa mga pulis.

Saad ni Robredo, delikado at malaki ang tsansang maabuso ang nasabing hakbangin tulad nang nangyari noong mga nakalipas na panahon.

Giit pa ni Robredo, maraming paraan naman para maresolba ang isang problema na hindi idinadaan sa pagdadala ng mga armas.



Matatandaan na nitong nakalipas na Biyernes nang ipinukala ni Pangulong Duterte ang pag-armas ng mga sibilyan bilang tulong na rin sa mga kapulisan. (Josephine Patricio)