Advertisers
TODAS ang limang hijackers sa pakikipag-engkwentro sa mga tauhan ng Highway Patrol Group (HPG) nitong Miyerkules ng madaling araw.
Ayon kay HPG Director, Police Brigadier General Alex Tagum, naganap ang engkwentro sa Taloy Sur Proper, Marcos Highway, Tuba, Benguet.
Nakatanggap, aniya, sila ng sumbong sa hijacking incident sa lugar kaya agad silang rumesponde.
Naabutan nila ang limang lalaki na sakay sa ninakaw na van truck na may plate number ADH 3116 at isang gray na SUV na walang plaka.
Nagkaroon ng palitan ng putok na nagresulta sa pagkakasawi ng limang hijackers. Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng mga ito.