Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
IPINAHAYAG ng talented na singer/songwriter na si Ashley Aunor kung gaano kahalaga sa buhay niya ang music.
Pahayag ni Ashley, “Hindi po ako mabubuhay kapag walang music… I can’t live without music since it’s what makes me happy and my own way of making a difference in the world.”
Si Ashley ay nag-aaral (4th year) sa Berklee College of Music sa Boston ng kursong Music Production.
Siya ay nakilala sa unang single niya titled Mataba na kontra sa body shaming. Ito ay sinundan niya ng Diyosa ng Kaseksihan. Ang latest single niya ay pinamagatang Loko!, Ang kanta ay patama sa mga lalaking manloloko.
Ayon kay Ashley na kilala rin bilang Cool Cat Ash, fictional ex-boyfriend ang pinagbasehan niya ng kanyang naturang single.
Masarap pakinggan ang mga cover ni Ashley like Laki Sa Layaw ni Mike Hanopol, Iskul Bukol theme song ng pamosong trio nina Tito, Vic & Joey, at Bonggahan na originally ay pinasikat ng Queen of Pinoy Rock na si Sampaguita.
Sa tatlong covers na ito ay makikita kung gaano ka-versatile talaga at kung gaano katindi ang pagkagiliw sa rock classics ng younger sister ni Marion Aunor.
“Mahilig talaga ako sa classic rock, hindi lang po classic Pinoy Rock, kahit anong classic rock po,” pakli pa ni Ashley.
Samantala, congrats sa bunsong anak ng dating teenstar na si Ms. Maribel ‘Lala’ Aunor dahil nakakuha ito ng dalawang nominations sa 12th Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC).
Nominado si Ashley para sa mga kategoryang Novelty Artist of the Year at Novelty Song of the Year para sa kantang Mataba.
Nagpahayag ng labis na kagalakan si Ashley sa naturang achievement.
“Sobrang happy po! Kasi despite the pandemic, may malaking blessing na dumating po. Super thankful ako.”
Dagdag pa ni Ashley, “Ate Marion and I co-wrote and co-produced the song together. Ako rin ang nag-areglo and nag-mix ng song.”
Ano ang reaction ng kanyang mommy especially since dalawa sila ni Marion ang may nominations sa Star Awards? “Happy po si mommy,” matipid na wika pa ni Ashley.
Last year ay naging nominado rin siya para sa Mataba sa Awit Awards, sa kategoryang Best Novelty Song.
Iyong Mataba, sa palagay ba niya ay kantang talagang hindi niya makakalimutan?
Sagot ni Ashley, “Yes, kasi ito ang song na nag-boost ng confidence ko and kung saan nai-share ko ang advocacy ko against body shaming.”
Samantala, sina Kuh Ledesma at Louie Ocampo ang pagkakalooban ng pinakamataas na karangalan sa taunang pagdiriwang na ito ng PMPC. Si Kuh ay gagawaran ng Pilita Corrales Lifetime Achievement Award bilang singer habang si Louie naman ay sa Parangal Levi Celerio sa pagiging composer nito.