Advertisers

Advertisers

Jennica nagsalita na sa hiwalayan sa ex-mister na si Alwyn

0 594

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

MATAPOS ang kanyang cryptic posts na nagpapahiwatig noon na may pinagdaraanan ang pagsasama nila ng mister na si Alwyn Uytingco, nagsalita na rin sa wakas si Jennica Garcia tungkol sa tunay na estado ng pagsasama nila ng actor.

Sa isang panayam, inamin ni Jennica na totoong hiwalay na sila ni Alwyn.



Nangyari raw ang hiwalayan nila noong buwan mismo ng pagkamatay ng kanyang lola.

“It started ng March, the failing of my marriage. That same month, my lola passed away because of COVID,” ani Jennica. “Tapos, I was praying to the Lord, kasi masyadong magkasunod, yung malaking event,” dugtong niya.



Ikinuwento rin niya na masyadong nabibigatan din daw siya noon dahil ang mga anak niya ay nagpositibo rin sa Covid-19.

Pagkatapos daw noon ay nag-negatibo na ang mga ito pero buwan daw ng Abril ay nag-positibo na naman ang mga ito kaya bilang ina ay tuliro na siya kung ano ang gagawin.



“Now that I’m a single mom, I have to of course, think about a lot of things that I wasn’t thinking about before,”bulalas niya. “Iba kasi kapag meron kang katuwang sa buhay. Na meron kang partner in life. Sa biglang, okay, so solo parent ka na,” pahabol niya.

Noong Mayo, malaking dagok din sa kanya ang pagpanaw ng isang kaibigan na talagang humamon din sa kanyang pananampalataya.

“I find great comfort in knowing that everything in this world is ever-changing but God’s love never changes,” sey niya.

Kamakailan naging usap-usapan ang pambibira ni Jean Garcia, mom ni Jennica, kay Alwyn nang isumbat nito sa kanyang manugang ang sakit na idinulot nito sa anak.

Hirit pa ni Jean, hindi man lang daw marunong mag-communicate si Alwyn at magbigay ng respeto sa kanya bilang in-law.

Pagkatapos ng maraming taong pamamahinga sa showbiz, balik sa pag-arte si Jennica sa Las Hermanas ng GMA-7 na ginagampanan niya ang papel ng isang palengkera.