Advertisers
NAKAABANG lamang ang National Bureau of Investigation (NBI) sa posibleng paglabas ng arrest warrant ng Sandiganbayan laban kay Senador Jinggoy Estrada.
Kasunod ito ng pormal na pagsasampa ng Office of the Ombudsman ng plunder at graft charges laban sa senador sa Sandiganbayan nitong Huwebes.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, handa nilang isilbi ang warrant of arrest sakaling may ilabas na ang Sandiganbayan.
Huwebes nang magsampa si Assistant Ombudsman Mico Clavano ng kasong plunder at graft sa senador kaugnay sa umano’y iligal na budget insertions at project allocations sa mga infrastructure project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa fiscal year 2025.
Humirit din ang Ombudsman ng hold departure order (HDO) laban kay Estrada at iba pang respondents kabilang ang dating DPWH Secretary na si Manuel Bonoan.
Habang ginagawa ang balitang ito ay nag-isyu na ng arrest warrant ang Sandigaba-yan sa kasong ‘Graft’ ni Estrada, habang wala pang ak-syon ang graft-court sa Plunder case nito.
Ang Graft ay isang bailable offense, hindi katulad ng Plunder na non-bailable.