Advertisers

Advertisers

2,000 buto nasisid sa Taal Lake

0 4

Advertisers

AABOT na sa 2,000 buto ang nakolekta ng Philippine National Police (PNP) Forensic Group mula sa Taal Lake kaugnay ng patuloy na imbestigasyon sa mga nawawalang sabungero.
Ayon kay PNP Forensic Group Director, Colonel Pierre Paul Carpio, sumasailalim ngayon sa DNA cross-matching ang mga nakuhang buto upang matukoy kung may tugma ito sa DNA ng mga nawawalang indibidwal.
“Continuous ang ating examination sa mga ito, and then, we will have a comprehensive results, reports with regards to matching ng mga DNA natin,” ani Carpio.
Tumanggi si Carpio na kumpirmahin kung mayroon nang natukoy na pagkakakilanlan dahil sa hirap ng proseso ng pagsusuri sa DNA mula sa mga buto. “Unang una, buto ito — ito ang pinaka-mahirap na parte ng katawan na kinukuhaan ng DNA at maproseso.”
Nauna nang ibinunyag ng whistleblower na si Julie Patidongan, dating aide ng gambling operator na si Atong Ang, na dinukot at pinatay ang mga biktima sa isang slaughterhouse malapit sa fishpond sa Laurel, Batangas.
Ayon kay Patidongan, itinapon sa Taal Lake ang mga labi ng mga biktima na hinihinalang sangkot sa game-fixing sa online sabong ni Ang.
Hindi bababa sa 34 katao na konektado sa online cockfighting ang naiulat na nawawala mula 2021- 2022. (Boy Celario)