Advertisers
SINABI ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla nitong Biyernes na “most probably” susuko si Senador Jinggoy Estrada paglabas ng Sandiganbayan ng arrest warrant kaugnay ng mga kasong ‘graft’ at ‘plunder’ na may kinalaman sa kickbacks sa flood control projects.
“I think most probably surrender. Surrender yan. This is the third time, sanay na naman siya sa kung ano ang gagawin niya,” ani Remulla sa ambush interview.
Ayon kay Remulla, sinabi ni Estrada na pag-iisipan muna niya ang kanyang desisyon dahil sa kanyang kalagayang pangkalusugan, partikular ang kailangan nitong knee replacement surgery.
Tinanong kung hihingi ng hospital arrest si Estrada, sinabi ni Remulla na nasa korte ang magiging desi-syon.
“Hindi, ang gagawin ko lang, ang concern niya ‘yung tuhod niya. So, it’s up to the Sandigan’s appreciation kung ibibigay sa kanya ‘yung ganun,” aniya.
Dagdag pa niya: “Whatever comes first, surrender or re-arrest. We will do whatever is necessary.”
Sinabi rin ni Remulla na dadaan sa tamang proseso ang senador sakaling sumuko, kabilang ang dokumentasyon, medical examination, at tamang turnover, at iginiit na wala siyang matatanggap na espesyal na trato.
Samantala, habang sinusulat ang balitang ito ay nag-isyu na ng arrest warrant ang Sandiganbayan sa kasong ‘Graft” ni Estrada at kay ex-DPWH Sec. Manuel Bonoan. Ito ay isang bailable offense. Pero kasong Plunder, wala pang aksyon dito ang graft-court.
Naghain narin ng piyansa sina Estrada at Bonoan. (Boy Celario/Mark Obleada)