Advertisers

Advertisers

Latest “Senateflix” episode: Minority bloc walks out!

0 2,821

Advertisers

Nagumpisa ang tinagurian ngayong “Senateflix”, isang panooring ngayo’y trending sa social media, national television at radio at higit sa lahat sa broadsheets of national circulation. Opo tampulan ng netizens at pati na mga news anchors and news scribes ang unfolding stories na nagsimula nang biglang dumating si Bato Dela Rosa, isang Senador na halos may anim na buwang lumisan sa kanyang trabaho bilang isang halal na mambabatas. Ang pagsipot ni BATO ay susi ng pagkakapanalo nilang mga taal na Duterte bloc.

Opo sa kabila ng absenteeism na ito si Bato isang privilege lawmaker pa rin ang trato sa kanya ng mga kapwa nasa minority nuon, na in a stroke of fate, majority bloc na ngayon sa liderato nitong si Alan Peter Cayetano. Ang pagsipot ni BATO dela Rosa sa pamamagitan ng isang kaseguruhan– na si Cayetano lang ang nakakabatid — ay naging susi ng pagkakatanggal kay currently nuon na senate president Tito Sotto. Si Cayetano ang wagi…sila ngayon ang mayorya.

Blockbuster ika nga ang first episode na ito at puno ng aksyon…may tutuong barilan o palitan ng putok sa pagitan ng mga miyembro ng Office of the Sargent At Arms sa pangunguna ni dating PNP general Mao Aplasca , isang kilalang kaklase umano ni BATO sa PMA class 86 at isang driver ng NBI na nasa gilid na gusaling GSIS. Sa CIDG napagalamang ang illegal discharge of firearm ni Aplasca bilang “challenge” o hamon sa amado daw na NBI, ay unwarranted sapagkat di hinihingi ng pagkakataon.

Sa putukan ito naging daan upang ang atensyon ay natuon sa selfie pronouncement ni Cayetano na “the Senate is under attack!!!” At ang buong Senado ay kagulo…isang ploy pala — sabi ng maraming nakamasid sa mga kaganapan upang si Bato ay makatakas kasama si Robin Padilla sa puting sasakyan ng huli na kitang kitang sa footage sa garahe ng Senado nuong madaling araw na sumunod.

Maraming “episode” pa ang naganap at ang huling huli ay ang walk out ng ngayo’y minority bloc liban kay Senador Tito Sotto. Ito ay nangyari isang araw matapos kong tipahin ang pitak kong ito. Ang dahilan, si Rodante Marcoleta, isang Senador na kung bansagan ay isang tsinador na kabig ng mga Duterte ay bumugad sa isang mosyon na baguhin ang rules and regulations hinggil sa pagbibigay ng karapatang ang isang Senador na physically is not present ay pwedeng bumoto sa pamamagitan ng teleconferencing day o electronic voting…isang patunay na ang kinakargo ng mosyon niya ay para umano makapagparami ng numero ng kanilang bloke lalo pa sa pagdating ng Impeachment Trial ni VP Sara Duterte. Sinambit ni Marcoleta ang isang pahayag na ipinatutungkol niya kay Senator Riza Hontiveros ng minority bloc na umano’y: kinakailangang ang isang may alam sa pagpapairal ng katarungan o dapat ay abugado para maintindihang ang kanyang sinasabi na hindi naman daw bago ang mosyon na kanyang ipinagmamarayag!

Lalong naginit ang balitaktakan dahil meron ding kapwa nya Senador ang “sumaklolo” kay Hontiveros …. boom! Ang mga ganap na ito ay di nakalampas sa mga “street parliamentarians”, ex SC justices, ex legal luminaries at political analysts na ang sabi’y “this is the most unstable Senate!” we have in our midst. Mga Koyang iisa ang Senado ng Pilipinas, kung di rin lang ipatutupad ang batas sa bawat isa, maging Senador or Congressman ka man— magigiba ang ikalawang sangay na ito ng ating gobyerno – ang lehistalura.

Ngayon nagpahayag ang PNP, ang pinanggalingan ni BATO kung saan ang hiram na kapangyarihan ay taglay taglay pa rin lalo pa’t mayroon pala siyang mahigit daw na 100 high powered fireams—ay kanila nang tatrabuhin para arestuhin! Nakamasid ang taumbayan , ito na sana ang ending ng “Senateflix” — the most and only unprecedented political blunder in Philippine History.