Advertisers
Maraming lahi ng tao ang nagdurusa sa kagutuman na likha ng iilan na ibig pagharian ang mundong ginagalawan. Dahilan ang pagkakaiba kuno sa paniniwala ang ugat ng‘di pagkakasundo na dahilan sa pag-aalitan, tungo sa higit na pamuksang larangan, ang giyera. Samantala nariyan ang ibang tao na ang layon ay ang manatiling matatag sa kabuhayan sa kabila ng karangyaan nalalasap. Ang masakit, tila nakalimot ng isilang ang pagiging pantay sa pagkakalikha. Sa pag-inog ng kabuhayan, umaasa ng pananatili ng sarap ng buhay na tinitingala saan mang larangan, ang lahing dala. Sa kasaysayan hanggang sa kasalukuyan maraming labanan ang naganap at nagaganap sa mundo, ngunit pamumuksa ang mapupulot na aral ng mapanatili ang lahing angkin. Sangkalan ang dami ng salapi, malalakas na pamuksang armas maipamamalas ang tikas na ‘di makagalaw. Ang kagalingan, malalapitan sa ngalan sa layon na higit na makinabang sa likas yaman ng iba at limot ang pagkakapantay pantay sa mundong ibabaw.
Sa totoo lang, ‘di ibig pag-usapan ang kalagayan ng mundo higit ang digmaan sa Gitnang Silangan. Subalit ‘di mailayo ang sarili sa mga obrerong Pinoy na naghahanap buhay sa banggit na lugar na naiipit sa digmaang ‘di inaasahan. Sa totoo pa rin, daan-daang taon na ang lumipas sa usapin ng mga magkakatunggali sa Gitnang Silangan na ‘di magkasundo sa ‘di batid na dahilan. O’ patuloy ang ‘di pagkakaunawaan dahil sa paniniwalang bitbit mula sa simula ng hanggang sa kasalukuyan. Ang digmaan na ikinababahala ng nakararami higit ng mga pamilya ng mga OFW nagtungo sa Gitnang Silangan para maghanap buhay.
Sa pagtatasa sa kaganapan sa Gitnang Silangan, patuloy ang masalimuot na usapin higit sa pagpasok ng lahi nin Uncle Sam na negosyo ang usapin ng giyera. Humigpit ang kahirapan ng tao sa mundo ‘di lang sa banggit na lugar sa bantad na dahilan, ang digmaan. Ang paghirap ng paglabas o pasok ng mga produktong mula sa banggit na lugar ang nagmamahal sa produkto ng isara ang lagusan na Strait of Hormuz. Hindi tuwiran ang ugnayan ng mundo sa usapin ng mga lahi sa banggit na lugar ngunit pansin ang usapin ng mga bansang umaasa sa produktong inaangkat sa banggit na lugar. At ang pagpasok ng lahi ni Uncle Sam ay galawang paneguruhan na ‘di maapektuhan ang pangangailangan pansarili, ano man kalalabasan ng digmaan. At ngayon, silip ng mundo na ang maputing matanda mula sa Kanluran na matabil ang bibig ang nagdidikta sa kaayusang pinasukan.
Sa digmaan sa Gitnang Silangan at pagpasok ng ibang lahi, silip na ‘di ganap na usaping lupa’t paniniwala ng mga lahi ang nakataya, higit ang usapin ng langis na kabuhayan. Sa kasaysayan, ganap na ‘di nagkakasundo ang mga lahi sa banggit na lugar higit sa lupa’t paniniwala. At sa totoo lang, sa lugar isinilang ang Kristiyanismo ngunit na nanatiling mailap ang kapayapaang ibig na higit na lumalim ang sugat at ‘di pagkakaunawaan. Libong taon ang dumaan ngunit ganap na mailap ang kapayapaan na dama hanggang sa kasalukuyan. Sa panahon ng may mga makabagong pamuksa sa tao, hindi malayo na nagaganap na maubos ang mga lahi sa Gitnang Silangan na dalangin na ‘di ganap.
Sa kasaysayan, ang pagpuksa sa mga lahi na gawa ng mga lider na dumanas ng hirap sa paglaki at kuno’y nagmamahal sa lahing dala ngunit mapagmalabis sa iba. Sino ang makakalimot sa lider na Aleman na ibig lipulin ang mga Hudyo, may sala o wala basta’t dala ang dugo. Ang kagalingan may ibang lider sa mundo na may tuwid na kaisipan ang daan upang mahinto ang salang pagkilos laban sa hudyo at ‘di nagtagal nakamit ang kapayapaan. Sa kasalukuyan panahon na umuunlad ang mundo ng teknolohiya, umaasa na ang pag-uusap hinggil sa kapayapaan ang pangingibabaw. Hindi man ganap na harapang tunggalian ng mga pwersang armas, ang mapuksa ang lahi ng mga nag-iiringan ay maaaring magaganap. At ang dalangin ng nakakaraming mapagmahal sa mundo at sa kapayapaan, na ‘di ganap. Sa mga lahing may pagkakaiba sa paniniwala, isulong na isantabi ang pagkakaiba, mag-usap at nagkasundo. Sa totoo lang, ang ganap na kapayapaan ang ibig maiparating sa mga lider nang magpatuloy ang mapayapang buhay sa Gitnang Silangan at nang maraming obrerong dayuhan. Walang maidudulot na kabutihan ang pataasan ng ihi ng mga lider na ibig mangibabaw sa iba.
Sa nagkakaisang mga bansa, mamagitan at pag-usapin ang mga lider ng mga bansang sangkot sa digmaan at wakasan ang mabigat na pasanin ng mga tao sa Gitnang Silangan, ng mundo. Ang ‘di maayos na daloy ng mga produkto na lumalabas sa lagusan na isinara ang isa sa mga nagpapahirap sa mga bansang umaasa sa produkto na inilalabas sa banggit na lagusan. Hindi mabigat ang usapin ng kapayapaan sa pag-uusap na may sinseridad at kalinga sa bansa at lahing kinakatawan, ang karaniwang tao. Walang mamaliin sa nagaganap higit na hinahangaan ang pagiging bukas sa usapang pangkapayapaan at magiging ganap ang layon. Ang matigil ang pamumuksa sa tao sa mundo ang ibig naganap na minsang nagbigay dalamhati sa mundo. Hindi ibig na muling naganap ang pamumuksa saan mang panig sa mundo.
Nagpapasalamat ang Batingaw sa ilang mga iskolar ng Pamantasan ng Pilipinas na naglaan ng oras sa pagtalakay sa usapin ng pamumuksa o holocaust. Maraming tala ang ibig ipamulat ngunit iisa ang ibig, wakasan ang pamumuksa sa kapwa. Ang palitan ng pagmamahal sa isa’t isa o ng bawat lahi ang ibig ipabatid ng mga iskolar hinggil sa usapin, ang pamumuksa. Nakakatuwa’t muling nagpapasalamat kay Dr. DC Alviar, PhD. at mga kasama na nagbigay ng oras sa paksa ng wakasan ang pagpuksa sa kapwa. Pinaabot ang apila na mag-usap ang mga lider ng mga bansang sangkot sa digmaan ng makamit ang kapayapaan asam. Umaasa na titigil ang pagpuksa sa sangkatauhan, at mananaig ang kapayapaang tanging ibig sa mundong tinitirahan.
Maraming salamat po!!!!