Advertisers

Advertisers

SUGAL PATULOY NA NAMAMAYAGPAG SA ORIENTAL MINDORO ; SA KABILA NG “NO TAKE POLICY” NI PNP CHIEF NARTATEZ

0 4

Advertisers

Mahigpit na ipinaalala ni Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. ang pagpapatupad ng “No-Take Policy” laban sa lahat ng uri ng ilegal na sugal.

Ayon kay Nartatez “Zero-Tolerance” walang puwang ang kaluwagan sa pagpuksa ng ilegal na sugal.

Agad umano niyang sisibakin sa pwesto ang mga hepe ng pulisya at provincial director kung may madiskubreng operasyon ng ilegal na sugal (gaya ng ilegal na numero o jueteng at iba pa.) sa kanilang teritoryo.

Sa bigat at bagsik ng polisiyang ito ng PNP bakit lantad pa rin ang presensya ng illegal gambling sa bansa partikular sa lalawigan mismo ni Oriental Mindoro Governor Humerlito ‘Bonz’ Dolor talamak ang illegal numbers games na jueteng at peryahan na pulos sugal.

2 BRODKASTER NA BUMABATIKOS SA ILEGAL NA SUGAL SA ORIENTAL MINDORO, ITINUMBA PARA MANAHIMIK

Matatandaan na pagtuligsa din sa ilegal na sugal at sa mga protektor ang isa sa mga pangunahing motibong tinitingnan ng mga awtoridad sa pagpatay sa radio broadcaster na si Cresenciano “Cris” Bundoquin noong Mayo 31, 2023 sa Calapan City.

Si Bundoquin, ay komentarista ng DWXR 101.7 Kalahi Mo FM at may-ari ng MUX Online Radio, ay kilala sa kanyang matatalas na kritisismo laban sa mga ilegal na pasugalan sa Oriental Mindoro.

Matatandaang pinagbabaril din hanggang sa mapatay si Vergel Bico sa pagitan ng Barangay Balite at Barangay Pachoca sa Calapan matapos nitong batikosin ang ilegal na sugal sa bayan ng Naujan na pinatatakbo ng isang SPO3 Arnulfo Balacaña.

Ang biktimang si Bico ay isa ring part-time broadcaster sa Radyo Natin 105. 2 FM sa bayan ng Naujan, na pinamamahalaan ni Edison Mancera. Isang special task force ang binuo sa ilalim ni Senior Supt. Rolando de Jesus, direktor ng Oriental Mindoro Police Office, na nag-iimbestiga sa kaso ni Bico.

Dalawang beses binaril sa ulo si Bico at naisugod pa sa Maria Estrella General Hospital ng mga pulis mula sa public safety department. Simubalit idineklarang dead on arrival, gayunpaman. Sinabi ni Chief Insp. D’Artagnan Katalbas Jr., Calapan police chief, na ang mga pumatay ay nakabuntot kay Bico mula sa Barangay Balite hanggang Barangay Pachoca. Noong Setyembre 7, nakaraang taon ng walang hustisya.

Sinabi ng mga awtoridad na lahat ng anggulo ay kanilang titignan upang matukoy ang tunay na dahilan sa pagpatay sa radio broadcaster.

Ayon Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) dating Usec. Paul Gutirrez isa sa tinitignang anggulo ay ang pagbatikos ng mga biktima sa kanilang programa sa radyo sa mga protektor ng ilegal na sugal sa probinsya.

Dahil sa koneksyon ng ilegal na sugal sa krimen, kaya naglunsad ng malawakang crackdown ang dating Philippine National Police (PNP) Chief Benjamin Acorda Jr. para ipatigil ng tuluyan ang lahat ng peryahan na pulos sugal maging ang jueteng habang gumugulong ang imbestigasyon.

Ang ipinagtataka lang natin hindi panga nakakamit ng pamilya ng mga biktima ang hustisya ay parang kabute ng nagsulputan ang presensya ng ‘color games at drop ball (pingpong) baraha na pinagpipiyestahan gabi-gabi ng mga sugarol sa bayan ng Naujan, Victoria, Bansud, Pinamalayan, Bulalacao, Bongabong, Pola, Gloria, Roxas, Socorro, Mansalay, San Teodoro, Baco, Puerto Galera at Calapan maging ang jueteng.

Sabi nga ng isang source dapat raw imbestigahan ng SITG ang isang mediamen na nagtatrabaho noon sa Calapan City Hall bilang “PR” Man na diumanoy inutusan na kausapin si Bunduquin na itigil ang pagbatikos sa illegal gambling sa Calapan dahil nagagalit ang kanyang boss, ilang araw bago itumba si Bunduquin.

Aniya organisado ang grupo ng mga sindikato ng ilegal na sugal na kinabibilangan ng mga bigtime na gambling operator na sangkot sa kalakalan ng droga, ilang matataas na opisyal ng PNP at maimpluwensiyang pulitiko sa Oriental Mindoro.

Alam kaya ito ni Oriental Mindoro PNP provincial director PCol Edison Revita at PRO MIMAROPA regional director PBGen Christopher Dela Cruz?

Sinabi din ng impormante na mistulang “Press Release” lang ang “No Take Policy” ni Nartatez dahil hanggang sa kasalukuyan nagtatampisaw umano sa tuwa ang mga sindikato sa Oriental Mindoro.

Anong masasabi mo dito Gen. Nartatez Sir!

Samantala may impormasyon din na bantay sarado ng mga police mobile car na may body number 2041, 415 at 488 ang color games at drop ball (pingpong) baraha ni alyas Onyie sa Poblacion ng Naujan.

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com