Advertisers

Advertisers

ELIJAH CANLAS KINUMPIRMA NA HIWALAY NA SILA NI MILES OCAMPO

0 4

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

Kinumpirma ni Elijah Canlas sa interview sa kanya ni Ogie Diaz na for the second time around, ay hiwalay na ulit sila ni Miles Ocampo.

“As much as we’ve been trying to, I’ve been trying to keep it private, kasi syempre I’m going through it. Pero dahil lumalabas na ‘tong lahat, I think it’s time for me to say na, opo, totoo siya. Out of respect for Miles, I will always have love for her,” sabi niya.

Aniya, mutual na desisyon daw nila ang maghiwalay pagkatapos na magkabalikan noon.

“Yun yung masakit na part about it, kasi nga we got back together thinking na, ‘This is it.’ But yeah, that’s what happens with relationships, binigay namin lahat and we broke up mutually and very amicably. Walang hate, at least on my part. Masakit yun ganung klase na [breakup], yung mutual na wala naman talagang problema, pero na-realize niyo lang na baka hindi talaga match,” paliwanag niya.

Klinaro rin niya na walang third party na involved sa kanilang breakup.

Hindi rin daw totoo ang mga akusasyong lumabas na isa siyang cheater.

“Yung pag-speculate ng mga tao, wala na kaming magagawa. We’re public figures, it comes with the job. Minsan masakit kasi syempre hindi nila alam yung totoo, wala naman silang alam, and that’s how I’d like to keep it. Yung mga pinagdaanan namin, amin yun,”bulalas niya.

Inabswelto rin niya ang Kapuso singer na si Thea Astley kung saan nakunan sila ng video na magkasama sa La Union.

Ang totoo raw ay kasama niya ang mga kaibigan nang magbakasyon sila sa La Union.

Si Thea raw ay isa rin sa close friends niya kaya hindi dapat bigyan ng malisya ang pag-alalay niya rito at hindi pakikipag-holding hands.

Kumbaga, nabigyan lang daw ng malisya ng netizens ang kanilang pagsasama.

Sa naturang panayam, natanong din ang aktor kung nananatiling magkaibigan sila ng ex.

“Friends… I don’t know if I can say that now. We broke up amicably, yes, but syempre we were together 5 years. Parang it’s not easy to just jump back to being friends like that, it’s been a couple of months pa lang. It’s been very fresh. But I’d be open to it. She’s a great person,” pagtatapos niya.