Advertisers

Advertisers

LAGPAS 90 NA ANG NAPAPATAY DAHIL SA SPY TAGGING

0 20

Advertisers

NABABAHALA ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kaya nananawagan na ito sa United Nations at iba pang international human rights organizations na imbestugahan na ang lagpas siyamapung (90) katao napapatay ng New People’s Army (NPA) mula 2021 hanggang October 2026 dahil sa ‘spy tagging.’

Ang ‘spy tagging’ ay ang paghihinala sa ating mga kababayan lalo na ang mga nasa kanayunan ng mga NPA, na nakikipagugnayan sa mga tropa ng pamahalaan. Yun bang pinaghihinalaan nila (NPA) na mga ‘espiya’ ang mga kababayan nating napaslang na.

Sabi ni NTF-ELCAC spokesperson Liza Fidelis Cañada, karamihan sa nasabing bilang ng mga napatay dahil sa spy tagging ay naiulat sa Negros Island.



Kabilang raw sa mga pinaslang ng mga NPA ay mga magsasaka, manggagawa, babae, matatanda, opisyal ng barangay at maging mga dati nilang miyembro na nagsisuko na at nagbagong buhay.

Dagdag pa ni Cañada, ang mga pagpatay na ito ng kapwa Filipino at di na maituturing na ‘revolutionary acts’ o’ dahil sa pakikibaka ng NPA.



Totoo naman, ito ay murder na. Taliwas na ito sa ideolohiya o’ politikang ipinaglalaban ng NPA. Mga sibilyan na walang laban ang mga naging biktima ng kanilang spy tagging.

Bawat biktima at ng kani-kanilang mga pamilya at nangangailangan ng hustisya. Di lamang mga international human rights organizations at UN ang sumilip dito. Maging mga local courts natin, kailangan ay mausig ang mga may kinalaman sa mga pagpatay na ito.



Isasama ko na ang ating kasundaluhan at kapulisan sa panawagan na dapat panagutin ang mga opisyal at miyembro ng NPA na nasa likuran ng pagpatay dahil sa spy tagging

Di natin kailangang palampasin ang pananagutan ng NPA at ng mga kaalyado nito na mapapatunayang may partisipasyon sa mga pagpasalang na ito.

Wala talagang magawang magaling ang mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.