Advertisers

Advertisers

CUSTOMS EMPLOYEES ‘BIKTIMA’ NG MGA “BUWAYA”

0 25

Advertisers

PATULOY na lumilikha ng “pagyanig” ang makasaysayang desisyon ng Korte Suprema nitong Oktubre 20, kung saan idineklarang “labag sa Saligang Batas” (’unconstitutional’) ang mga mahahalagang probisyon ng ating pambansang badyet sa nakaraang tatlong taon (2024 hanggang 2026).

At pag sinabi nating “mahahalagang probisyon,” ang tinutukoy natin siyempre ay may kinalaman sa bilyones na kuwarta ng taumbayan at kung saan napunta ang mga ito.

Kung nakagagalit “makumpirma” na “iligal” ang ating pambansang badyet (at dapat lang na may managot at makulong sa nangyari) mas dapat sigurong magalit at madismaya ang mga empleyado ng Bureau of Customs at ang kanilang unyon, ang BOC Employees Association (BOCEA).



Bagaman hindi pa natin tapos repasuhin ang 121-pahinang desisyon, sa isang bahagi nito, (page 15), nakita natin na naglaan pala nang P3.609 bilyon bilang ‘Rewards and Incentives’ para sa Bureau of Customs sa 2025 national budget.

Eh, alam natin kung para saan ito, hindi ba, Kasamang Nato Reyes at Rommel Francisco? Ito ‘yung matagal nang “pangarap” at inaasahan ng bawat kawani na “bunga” ng kanilang “pinagpaguran” sa ilalim ng Lateral Attrition Law (RA 9335) at dekada nang inilalaban ng BOCEA.



‘Yun nga lang, sa sumunod na pahina (page 16), sinabi ng desisyon na sa bilyones na halagang isinumite ng gobyerno sa ilalim ng SAGF (Special Accounts in the General Fund) na ginawa pang P18.284 bilyon ng ‘Bicameral Conference Committee’ (Bicam), bukod tangi na ang P3.609 bilyon para sa Customs ang “tinabla” (‘veto’) ni Pang. BBM, aguy!

Ayon pa sa desisyon: “On December 30, 2024, President Ferdinand Marcos Jr. approved and signed into law Republic Act 12116 (2025 GAA) including the adjustments made by the Bicameral Conference Committee. In his Veto Message, the President conditionally vetoed only one item among the above enumerated SAGFs, which is the Bureau of Customs’ ‘Rewards and Incentives.’”



Translation? Lumalabas ngayon na dapat pala, noon pang isang taon, natapos na ang pagiging “nganga” ng mga empleyado kung kailan nila matatanggap ang pera na kinamatayan ng ibang emepleyado sa tagal na ng kanilang paghihintay, aguy!

Palaging dinudungisan ang imahe ng Customs at mga empleyado nito bilang mga “korap” pero sa nabisto ng Korte Suprema, “biktima” lang din pala sila ng mga “buwaya” sa ating Kongreso at Senado, hays!