Advertisers

Advertisers

‘Hulihin na si Bato!’

0 25

Advertisers

INIUTOS nani Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. ang pag-aresto sa wanted na si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Kulang nalang sabihin ni PBBM na kunin si Bato ng buhay o patay!

Si Dela Rosa ay may patong nang P50 million sa ulo.



Inanunsyo ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang reward, bunga narin marahil ng pressure mula sa netizens na nagsasabing “puros drawing lang si Jonvic”. Dahil nga sa paulit-ulit niyang pag-aanunsyo na tukoy na ang senador pero hindi naman nahuhuli.

Pinagre-resign na nga ng netizens si Jonvic dahil wala parin itong naaarestong high-profiles fugitives tulad nga ni Bato, Atong Ang, Gerald Bantag, Zaldy Co at Harry Roque.



Paalala ni Jonvic “armed and dangerous” si Bato.

Utos ni PBBM, hulihin si Bato nang walang masasaktan.



Si Bato, ayon kay Jonvic, ay kinakanlong ng malaking grupo sa Mindanao. Kapag pinuwersa raw nila ang pagkuha rito ay posibleng dumanak ng dugo, umabot sa 10,000 ang masasawi. Ganun?

Binigyan ng isang linggong ultimatum si Bato para sumuko ng mahinahon kundi ay kukunin siya by force. Araguy!!!

Ang arrest warrant si Bato ay mula sa International Criminal Court (ICC) sa kasong crimes against humanity. Isa siya sa co-perpetrators ni ex-President Rody Duterte sa kasong nabanggit kaugnay ng brutal na war on drugs noong panahon ni Duterte kungsaan PNP Chief si Bato.

Sa datus ng PNP higit 5,000 ang napatay sa war on drugs, pero sa tala ng human rights group nasa 30,000 plus ang pinaslang, ang iba ay inosente o colateral damage kuno.

Sa utos ni PBBM at sa reward na P50 million sa makahuhuli kay Bato, tiyak mag-uunahan ang mga bounty hunter sa pagsuyod sa pinaglulunggaan ni Bato. Posible pang ituro siya ng mga nagkakanlong sa kanya. Araguy!!!

Ayon naman sa ICC lawyer na si Kristina Conti, hindi na dapat mag-aksaya ng P50 million ang gobierno para mahuli si Bato. Pinasusueldo na nga raw ito, lalagyan pa ng reward para maaresto eh higit 220,000 ang miembro ng PNP, at higit 160,000 naman ang sa AFP. Bukod pa rito ang sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ang mga law enforcement agency na ito ay may daang milyones na intel funds, anyare? Bakit hindi maaresto ang mga kriminal, Mr. President?

Well, lets wait kung anong mangyayari sa utos na ito ni PBBM at sa palugit ni Sec. Jonvic sa paghuli kay Bato. Abangan!

***

Pinagpalit ng puesto ni PBBM sina Secretary Vince Dizon at Giovanni Lopez.

Si Dizon na ngayon ang kalihim ng Department of Transportation (DoTr), habang si Lopez ang sa Dept. of Public Works and Highways (DPWH).

Sa DILG kaya, hindi pa ba papalitan si Jonvic? Magandang ipalit sa kanya alin kina dating Chief PNP Nicolas Torre at dating Sen. Antonio Trillanes.

Just do it, Mr. President!!!