Advertisers

Advertisers

Pinoy, buntis na misis nasawi sa salpukan ng kotse, truck sa Japan

0 6

Advertisers

Nasawi ang isang Pilipino at kanyang buntis na misis sa salpukan ng isang kotse at truck sa Takashima, Shiga Prefecture, Japan noong Agosto 30.

Ayon sa ulat ng Japan Today, tatlo ang nasawi habang tatlo pa ang sugatan sa aksidenteng nangyari 6:20 ng gabi noong Linggo.



Kinilala ang mga nasawi na sina Ligon Linwell Joshua Meneses, 28- anyos, misis na si Yuki Sawada, 31-anyos, at si Yutaka Teshigawara, 27-anyos.

Malubhang nasugatan ang 33-anyos na nakatatandang kapatid ni Sawada na siyang nagmamaneho ng kotse, gayundin ang 4-anyos na anak ni Meneses.



Minor injuries naman ang tinamo ng 53-anyos na driver ng truck.

Hinihinala ng pulisya na tumawid sa center line ng kalsada ang kotse at pumasok sa kabilang lane.



Samantala, kinumpirma ng pamilya ni Meneses sa isang social media post ang pagpanaw nina Joshua at Yuki, pati na rin ng kanilang hindi pa isinisilang na sanggol.

Nagpasalamat naman ang pamilya sa Diyos dahil ligtas ang 4-anyos na anak ng mag-asawa na si King at kasalukuyang nagpapagaling.

Hiniling din ng pamilya ang patuloy na panalangin para sa kanilang anak at sa buong pamilya habang kinakaharap ang matinding pagkawala.