Advertisers

Advertisers

‘Lahat ng nagbababa ng proyekto sa DPWH may kickback’

0 30

Advertisers

IBINUNYAG ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo sa pagdinig ng Sandiganbayan sa katiwalian sa flood control projects na lahat ng mambabatas na nagbababa ng proyekto sa public works ay kumukuha ng kickback.

Kumukuha raw ng hanggang 25 percent kickback sa bawat proyekto.

Nitong Huwebes, Oktubre 29, ikinanta ni Bernardo na maging sina dating Senadora Nancy Binay at Grace Poe ay kumana ng kickback sa kanilang mga ibinababang proyekto sa DPWH.



Si Binay daw ay kumuha ng 12 – 15% ng commitment fees mula sa infrastructure projects, habang si Poe ay 20%.

Ang commitment fees naman ni Senador Jinggoy Estrada ay nagkakahalaga raw ng 18 – 25%. Obkors dinenay niya ito.



Si Jinggoy ay kasalukuyan nang nakakulong sa Plunder.

Sa mga kongresista, ayon kay Bernardo, kapag nag-propose sila ng proyekto sa labas ng kanilang congressional district ay kumukuha sila ng 3 – 5% commitment fee, na kung tawagin ay “parking fee”.



Ibig sabihin nito, more projects more commission si mambabatas. Kaya sila ay paldong paldo, habang ang kanilang proyekto ay depektibo, substandard, kundi man ay multo!

Pukaw na mo!

***

Inihayag ng state witness ex-Usec. Roberto Bernardo na hindi kasama si ex-House Speaker Martin Romualdez sa mga proponent ng DPWH projects na lumapit sa kaniya. Wala rin aniya siyang direktang transaksyon dito.

Hindi rin aniya nabanggit si Romualdez sa mga judicial affidavit na kanyang isinumite sa korte.

Ibig bang sabihin nito, safe na si Martin? Hmmm….

Sinabi ito ni Benardo sa Sandiganbayan sa bail petition hearing ng puinsang buo ni Pangulong “Bongbong” Marcos.

Pinangalanan din ni Bernardo ang iba pang mga mambabatas na kumana ng kickback sa kanilang mga proyekto.

Lahat nga raw ng mambabatas na nagbababa ng proyekto sa DPWH ay kumukuha ng kickback.

Maging ang ilang opisyal ng DPWH ay kumukuha rin ng komsyon.

Kabilang sa mga pinangalanan ni Bernardo este ng kanyang driver na si Nino Garcia na diniliberan niya ng “boxes” ay sina Sen. Jinggoy, ex-Sen Bong Revilla, ex-DepEd Usec Trygve Olaivar, late DPWH Usec. Cathy Cabral, ex-DPWH Sec. Manuel Bonoan, at ang recipient sa Cherry Mobile building na si Maynard Ngu?, ang friend ni Sen. Chiz Escudero.

Magkano naman kaya ang kinukuha ng aming kongresista sa Romblon?

Hello, Cong. Buday?

***

Dapat may parusang firing squad na sa Pinas para sa mga korap na politiko partikular mga mambabatas para matakot nang magnakaw ang mga animal na ito. Pwe!