Advertisers

Advertisers

Bahay Aliwan na pugad ng prostitusyon sa Antipolo, Rizal timbrado raw sa PNP-CIDG at NBI?

0 20

Advertisers

BAGO natin ilahad ang mga sumbong na pinarating sa BALYADOR i-congratulate muna natin ang National Bureau of investigation (NBI) na pinamumunuan ni Director Atty. Melvin Matibag, dahil sa accomplishment na kanilang natamo sa ginawa nilang raid at pagpapasara ng KTV Bar na pag-aari ng former Congressman at Cabinet Secretary na sinasabing front ng prostitution.

Makikiusap din muna ang BALYADOR na dapat isantabi muna ni Matibag ang pakikisawsaw sa pulitika at isyu tungkol sa “impeachment trial” ni VP Sara Duterte.

Dapat pagtuunan muna niya itong isyu ng “intelihensiya” na ipinangangalandakan ng mag-partner na alyas Garner at Eugene na itinuturong bugaw ng night club na ‘Forli’ na matatagpuan sa kahabaan ng Marcos Highway, Barangay Mayamot, Antipolo Rizal hayagan umanong nagpapalabas ng mga malaswang panoorin pagsapit ng alas dose ng gabi.



Ayon sa reklamo ng ilang netizen bukod sa pagsasayaw ng hubot-hubad para umanong kendi na inilalako sa mga parukyano ang mga GROs, solo performers, at modelo na panandaliang aliw o “quickie sex” sa loob umano ng mga VIP rooms na may padlock “if the priced is right”.

Bukod dyan ipinangalandakan din umano ng mga nabanggit na bugaw na naka timbre raw ang prostitutiin den nila sa Criminal Inveatigation and Detection Group o CIDG at Hilltop. Kumpleto raw sila kada linggo sa nabanggit na tanggapan ng gobyerno. Tsk.Tsk.Tsk…



Alam kaya ito nina Rizal Provincial Director PCol Eleazar Barber, CIDG Director PMajGen. Robert Alexander Morico at NBI Director Melvin Matibag.

Ang tanong alam kaya ito ng mga nabanggit na opisyal?



Saganang akin, masasabi nating legal ang isang establisimyemto kung mayroon itong business permit. At kung meron man dapat nakapaloob sa kanilang business permit ang VIP rooms na may padlock, Floor Managers, GRO’s, Models, Solo Performer, Bold Show at Bugaw dahil nagpapasayaw sila gabi-gabi ng wala umanong saplot ang katawan ng mga kababaihan.

Ayon sa ulat patuloy na tumataas ang mga kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa rehiyon ng CALABARZON, ayon sa Department of Health (DOH).

Batas sa datos umabot na sa mahigit 24,000 na kumpirmadong kaso ng HIV sa CALABARZON hanggang Abril 2025, habang tinatayang nasa mahigit 43,000 ang kabuuang bilang ng mga may HIV sa rehiyon (kabilang ang mga hindi pa nakukumpirma).

Pumapangalawa ang CALABARZON sa may pinakamaraming naitatalang kaso ng HIV sa Pilipinas kasunod ng National Capital Region (NCR). –
95% ng mga nakumpirmang kaso ay biologically male.
5% ay biologically female.
Karamihan sa mga nahahawa ay kabilang sa kabataan (youth population), kung saan 99% ng mga kaso ay naililipat sa pamamagitan ng pakikipagtalik (sexually transmitted).

Ang tanong, bakit pumapayag si Antipolo City Mayor Casimiro “Jun” Alcantara Ynares III na baboyin ang kanyang lungsod ng mga bugaw ng bahay aliwan na ito?

Subaybayan natin!

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com