Advertisers

Advertisers

P70m na ang patong sa ulo ni Bato

0 24

Advertisers

UMABOT na sa P70 million ang nakapatong sa ulo ng wanted na si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Nagdagdag kasi ng P20 million na reward si Cagayan de Oro City Mayor Klarex Uy.

Nauna nang nag-alok ng P50m reward ang national government sa sinumang makahuhuli kay Bato, na ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla ay “armed and dangerous”.



Kaugnay nito ay nananawagan si Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. kay Bato na sumuko ng mahinahon para wala nang masaktan pa.

Si Bato ay may arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC). Co-perpetrator siya ni ex-President Rody Duterte sa kasong ‘crimes against humanity’ kaugnay ng mga patayang naganap sa “pekeng” ‘war on drugs’ ng nakaraang Duterte administration kungsaan si Bato ang Chief PNP at utak ng “Oplan Tokhang’. Sa ulat ng PNP, higit 5,000 ang pinatay noon, pero sa tala ng human rights group higit 30,000 ang kinatay.



Si Duterte ay higit isang taon nang nakakulong habang nililitis sa ICC facility sa The Hague, Netherlands.

Ayon kay Sec. Remulla, kinakanlong si Bato ng malaking grupo sa Mindanao, na kapag pinuwersa raw nila ang paghuli ay malamang bibilang ng casualties hanggang 10,000.



Binigyan ng deadline si Bato na sumuko hanggang Oct. 29, ngayon.

Sinasabing nasa kampo ng BIAF-MILF si Bato, kay Commander Abdullah Assadullah “Bravo” Macapaar.

Umano sina Bato at Bravo ay magkaibigan simula pa nang maging Davao City Police chief ang senador.

Ano kaya ang mangyayari sa deadline ng pagpasuko kay Bato ngayon?

Abangan!

***

Sinabi ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) secretary Manuel Bonoan na mayroon higit P7.4 bilyong congressional initiatives si Senador “Jinggoy” Estrada.

Mayroon din aniya P475 milyong initiatives si Estrada kasama ang isang kongresista.

Sinabi ito ni Bonoan sa pagharap niya sa Sandiganbayan 5th Division nung Martes, Oct. 27.

Ayon sa dating kalihim, mayroon ni-request si Jinggoy na kabuuang P1 bilyon halaga ng project inclusions mula sa Senate Leadership Fund. Wow!!!

Saad ni Bonoan, P500 milyon lamang ang inirekomenda ni late DPWH undersecretary Ma. Catalina Cabral. Pero humiling raw si Jinggoy ng karagdagang P500 milyon noong Senate President Pro Tempore pa ito.

Nalaman aniya ito kay dating DPWH undersecretary Roberto Bernardo at binigyan siya ng listahan ng proyektong iniuugnay kay Jinggoy.

Sabi pa ni Bonoan, sinabi ni Bernardo na inutusan siya ni Jinggoy na humiling ng karagdagang P500 milyon para sa election expenses.

Itinanggi ito ni Estrada, na dumalo sa hearing sa pamamagitan ng teleconference.