Advertisers
KUNG sagsag ang bashers ni Pinoy Golden Boy CARLOS EDRIEL YULO kapag nakapagbulsa ng gold medal sa world stage, na bukod sa double gold ay 2x pa nakasungkit, sobrang namamayagpag sila sa failure na maiuwi ulit ang dagdag na award.
Mukhang dinaramdam ni CALOY ang bad wishes ng mga kampi sa inang si ANGELICA POQUIZ bitbit hanggang sa oras ng laban kaya may chance to fall, lakas nga ba ng spirit ng evil wishes para matumba sa laban ang top Gymnast na pilit isinusubsob? Sa nakitang tamlay ni CARLOS sa laban, (dahil ba sa pagod sa successive events o sa mapanirang isyu?) kahit kami ay di kampanteng mananalo siya ulit the third time around nang ganun kadikit and mga schedule.
Pasok man sa Finals, walang medal. Sa unang laro, 8th place, 13.233 pts., 5.8 difficulty level, 7.633 pts execution score, 0.1 bonus. 0.300 penalty sa fall, last sa Men’s Floor Exercise ng 2026/54th Artistic Gymnastics World Championships, Rotterdam, Netherlands. Sa Vault, 7th place, 13.883, opening 13.330, at 0.300 penalty to 14.433. Ito ang mga kategoryang ipinanalo ng twin gold, two times ni Golden Boy sa Olympics. Yes, pag may panalo, may talo sa laban.
Hirit ang bashers, walang malasakit sa laban ng Pinas na kampo ng ina ni CARLOS sa isyung dapat anilang ibigay ang pera at respeto sa ina anuman ang ginawa nito dahil anak lang siya, Karma, injury or worse ang wish nila sa YULO brothers.
Ang sa amin lang po, Sports ang isyu pero iginigiit ng bashers ang problema ng pamilya Itinakwil si CARLOs dahil pinili ang girlfriend singer/influencer na si CHLOE SAN JOSE na sumuporta sa kanya matapos simutin ng ina ang Php11M ipon at allowances ng anak without withdrawal consent. Idagdag pa ang paglayo rin ng younger brod na si ELDREW for same case, ayon sa isyung di gustong tapusin ng kampo.
Napapaisip lang din kami kung bakit kaya ng ina na ipahiya sa mundo ang anak at umingay ang presscon nito ng paninira para isnabin ang mga panalo ng isang Sports hero sa double gold, first time in history after about a decade.Two times pa, yun…husay na siya ang unang nakagawa sa bunton ng mahuhusay na Atletang Pinoy., despite his mom’s curse, na luluhod at gagapang siya na hindi mananalo plus continuing intrigues.
Nakalakihan na ng Pinoy ang kasabihan at paniniwalang..WALANG INA o matinong ina ang KAYANG TIISIN ang ANAK, pero karaniwang kaya ng anak na tiisin ang ina. BALIGTAD sa kaso ng ina ni CALOY. Itinakwil ang anak dahil sa pera at pride, na walang laban ang anak..dahil anak lang..Kayang- kaya niyang gawin at tiisin. Kailan nga ba tutuldukan ang isyu?
Whatever, it doesn’t change the fact na hawak ni Golden Boy CARLOS EDRIEL YULO ang record na 2x bagging of double gold, first time pareho sa Sports history ng Pinas. Manalo, matalo, Golden Boy is his title in Sports. CHILL and let’s pray for good things.
OCTOBER CHEERS
HAPPY BIRTHDAY/Birthmonth to my amiable cousin Dra. HAZEL FRANCISCO DAQUIOAG of Cabanatuan, Nueva Ecija, to Mam SUSAN LORA (AUPC), Sis CARMEN YUMANG (SanFe), KATRINA CANLAS (Mla), RICH STA. TERESA (Mand),& MARISA A.OCANA (QC). MBTC & Best blessings. HAPPY READING!