Advertisers

Advertisers

ISAULI KAYA ANG P300 MILYON?

0 23

Advertisers

MAY ilang nagulat sa biglaang ‘swapping’ ng posisyon nina DPWH Secretary Vince Dizon at DOTr Secretary Giovanni ‘Banoy’ Lopez na inanunsiyo nitong Lunes.

Ayon sa ilang miron, “inilalayo” sa kontrobersiya si Sec. Vince ngayon pa lang dahil isa siya sa “napipisil” na makasama sa ‘lineup’ ng administrasyon sa Senado sa 2028. Mainam nga naman na ngayon pa lang ay maiwasan na tuluyang masira ang ano mang kredibilidad mayroon siya dulot ng hindi masawatang korapsyon at kapalpakan sa DPWH.

Sinasabi rin na “bata” niya si Secretary Banoy na ‘Usec. for Admin and Finance’ sa una niyang termino sa DOTr kaya patuloy na dalawa pa rin ang kanyang “tabakuhan,” ang DPWH at DOTr, hehehe!



Pero alam kaya ni Secretary Vince na may isang opisyal sa isang ‘line agency’ ng DOTr na AYAW ang kanyang pagbalik sa puwesto? Kung hindi pa ito alam ni Sec. Vince, alam na niya ngayon, hehehe.

Sa nalaman kasi natin, may ilang buwan na ngayon na “umiikot” itong si Mr. DOTr Official upang mapalitan si Sec. Banoy—pero hindi si Sec. Vince ang gusto niya, wahhh!



Ayon pa sa mga miron, bago ang “rigodon” ni Sec. Vince at Sec. Banoy, tila “magbubunga” na ang operasyon ng nasabing opisyal— patunay ang umano’y halos P300 milyon nitong nakolokta sa mga ‘players’ ng ahensiya na gusto niyang lipatan.

Malakas ang loob ng kolokoy dahil kahit umano ang pangalan ni ‘First Lady’ ay kanyang ginagamit sa kanyang kampanya– “siya” na ang bagong “bosing” sa target na ahensiya at HINDI si Sec. Vince ang bagong DOTr Secretary, ganern?



At siyempre, ang nalikom na kuwarta ay hindi para sa kanya, bagkus, para sa mga ‘charity projects’ (daw) ng Unang Ginang kaya ang tanong, may nakarating naman kaya?

At ngayon ngang nasira ang lahat ng kanyang plano at “kamada,’ may balak kaya siyang isauli ang P300 milyon bilang patunay na isa siyang maginoo at taong may prinsipyo?

O… maghabol na kayo sa Tambol Mayor, ahahay!