Advertisers

Advertisers

Boatwright ganap ng Pinoy

0 26

Advertisers

NATAPOS na ang proseso ng naturalisasyon ni Bennie Boatwright.

Handa na ang pasaporte ni Boatwright,sabi ni Erika Dy, Executive Director ng Gilas Pilipinas, noong Martes sa national congress ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa Crowne Plaza sa Ortigas.

“We have also finally completed the naturalization of PBA champion Bennie Boatwright. The process began in 2024 and we look forward to seeing him play for Gilas soon,” wika ni Dy.



“I just received a text message just before coming up to the podium that his passport is now ready. His addition is something to look forward to as we continue working our way to Los Angeles 2028,” dagdag nya.

Ayon sa SBP, nagpanumpa na si Boatwright ng katapatan sa Pilipinas noong nakaraang linggo.



Ang 30-taong-gulang, 6-foot-10 na forward ay puwede na ngayong mapabilang sa Gilas sa mga international na torneo.

Ang Pilipinas ay kasalukuyang nasa ika-limang pwesto sa Group E sa World Cup Asian Qualifiers na may 4-4 na record.



Ang susunod na laban para sa Gilas ay sa Nobyembre. Doon, makakalaban ng Nationals ang Syria 2-6 at Iran 5-3 sa Karisma Arena sa Seremban, Malaysia.