Advertisers
SINABI ng two-time Olympian figure skater na si Michael Christian Martinez noong Lunes na ang kanyang pagbabalik sa ice rink ay para magkaroon ng mas maraming atensyon, suporta, at pagkilala ang figure skating sa Pilipinas.
Inanunsyo ni Martinez ang kanyang pagbabalik sa competitive figure skating noong Oktubre 19, sa isang anunsyo sa Facebook.
“I’m not coming back just for myself. I’m coming back because I truly believe Philippine figure skating deserves more attention, recognition, and support,” wika ni Martinez sa Facebook post Lunes.
Nilinaw ni Martinez na naipamuhay na niya ang kanyang pangarap sa Olympics at gusto niyang makita ang susunod na henerasyon ng mga figure skater na magningning.
Sumali si Martinez sa 2014 at 2018 Winter Olympics, na ginanap sa Russia at South Korea, at nanalo rin siya ng silver medal sa 2017 Southeast Asian Games.