Advertisers
MARIKINA CITY —Ininspeksyon nina Marikina City Mayor Marjorie Ann “Maan” Teodoro at Cong. Marcelino “Marcy” Teodoro ang Aglipay Cemetery, Holy Child Cemetery, Our Lady of the Abandoned Cemetery, Loyola Memorial Park at Barangka Municipal Cemetery Huwebes ng umaga Oktubre 29.
Kasama ang PNP, BFP at mga taga- opisina ng City Hall, tiniyak nila na malinis ang paligid at handa ang mga emergency at security team para sa inaasahang pagdagsa ng mga bibisita.
Ilalagay din ang one-way traffic scheme sa A. Bonifacio Avenue at Sumulong Highway mula ika-6 ng umaga Oktubre 31 hanggang ika-12:01 ng madaling araw Nobyembre 2.
Hinihiling din sa publiko na sumunod sa mga alituntunin at huwag magdala ng baril, matatalim, alak.
Bawal din ang baraha sugal sa loob ng mga sementeryo.
Layunin ng ligtas “Undas Task Force” na maging payapa at solemne ang paggunita ng mga pamilya sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay. (Edwin Moreno)