Advertisers

Advertisers

Eala umusad sa quarterfinal round sa Tokyo

0 39

Advertisers

SA wakas, napagtagumpayan ni Alex Eala ang kanyang ‘second round wall’ sa Asia matapos talunin si Talia Gibson, 4-6, 6-2, 6-0, sa WTA 500 Tokyo Open round of 16 sa Japan Miyerkules ng gabi.

Matapos mabigo sa unang set, pinakita ng Filipino tennis ace at world No. 19 na si Eala ang galing niya laban sa Australian at No. 38 na si Gibson para makapasok sa kanyang unang quarterfinals sa Asian swing ng 2026 WTA Tour.

Napalawak din ni Eala ang kanyang dominasyon laban kay Gibson sa tatlong laban, na natalo siya ng dalawa noon sa ITF circuit.



Sa pagkapanalo, ang tournament No. 8 seed na si Eala ay nakagawa ng rematch kay No. 3 na si Diana Shnaider na tinalo siya sa Ningbo Open noong nakaraang linggo.

Tinalo ni Shnaider si Aliaksandra Sasnovich, 6-3, 5-6, 6-3, sa kanilang laban sa ikalawang round noong Miyerkules.