Advertisers
INAASAHANG haharap sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Nobyembre 5 si dating Bangsamoro parliament member Edrieza Hadji Nasser Rimbang kaugnay ng tangkang pagpupuslit ng tinatayang P3.5 bilyong halaga ng shabu mula Laos patungong Pi-lipinas.
Ayon kay PDEA spokesperson Joseph Frederick Calulut, nagtungo sa kanilang tanggapan ang mga abogado ni Rimbang at nangakong ihaharap siya sa ahensya sa na-sabing petsa.
Kabilang si Rimbang sa 11 ‘persons of interest’ na pina-dalhan ng subpoena kaugnay ng kaso. Dalawa pa sa kanila ang hindi pa humaharap sa mga awtoridad.
Sinabi ni Calulut na hindi ipinaliwanag ng mga abogado kung bakit hindi agad nakaharap si Rimbang sa PDEA.
Batay sa ebidensyang hawak ng mga imbestigador, patuloy na itinuturing ng PDEA si Rimbang bilang posibleng mastermind at financier ng nasabat na drug shipment.
Hinihintay parin ng ahensya ang kanyang pormal na paha-yag at affidavit bago makumpleto ang imbestigasyon.
Nauna nang itinanggi ni Rimbang ang kanyang pagkakasangkot sa operasyon, sinabing walang katotohanan ang mga paratang laban sa kanya.
Noong Oktubre 1, naharang ng mga awtoridad sa Laos ang tinatayang P3.5 bilyong halaga ng ilegal na droga na sakay ng private plane na patungong Pilipinas.