Advertisers

Advertisers

60 ‘online groomer’ sa Tacloban school shooting tukoy na ng NBI

0 38

Advertisers

UMABOT na sa 60 katao, kabilang ang mga menor de edad at dayuhan, ang tinukoy ng National Bureau of Investigation (NBI) na umano’y online groomer ng mga bata na may kaugnayan sa pa-mamaril sa isang paaralan sa Tacloban City.
Ayon kay NBI Eastern Visayas Regional Director Jeremy Lotoc nitong Miyerkoles, Oktubre 28, natukoy ang mga ito batay sa mga digital evidence na nakalap ng task force na nag-iimbestiga sa insidente sa San Jose National High School noong Hunyo 22.
Hindi man direktang na-kipag-ugnayan sa mga suspek sa pamamaril ang lahat ng 60 indibidwal, sinabi ni Lotoc na may impluwensiya ang mga ito sa pamamagitan ng kanilang mga online network.
Posible pang madagdagan ang bilang dahil sinisiyasat din ng NBI ang nasa 200 iba pang indibidwal na pinaghihinalaang nanghihikayat o nakaiimpluwensiya sa mga menor de edad na gumawa ng mararahas na pag-atake.
Ayon kay Lotoc, kabilang sa mga sinusuri ng mga imbestigador ang istruktura ng mga grupo, paraan ng pagre-recruit, lawak ng impluwensiya at posibleng ugnayan sa mga extremist group.