Advertisers

Advertisers

Driver na lasing, naka-droga babawiin ang lisensiya ng LTO

0 31

Advertisers

MAAARING bawiin ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng mga driver na mapatutunayang nagmamaneho sa ilalim ng impluwensiya ng alak o droga, alinsunod sa umiiral na batas at tamang proseso ng panghuhuli.
Sa ilalim ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus Lacanilao, inatasan ang deputized law enforcement officers na mahigpit na sundin ang mga itinakdang pamamaraan sa pag-aresto sa mga pinaghihinalaang lasing o nakadrogang motorista.
Sa pamamagitan ng Memorandum No. MVL-2026-242, nilinaw ng LTO ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pagsusuri sa mga driver na pinaghihinalaang nagmamaneho sa ilalim ng impluwensiya ng alak.
Kailangan sumailalim muna ang driver sa Field Sobriety Test at kapag bumagsak dito, saka pa lamang isasagawa ang pagsusuri gamit ang awtorisadong Alcohol Breath Analyzer.
Bukod sa mga parusang maaaring ipataw matapos ang criminal conviction sa ilalim ng Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013, babawiin ang lisensya ng driver na inirekomenda kung mapatunayang improper person to operate a vehicle.
Inatasan din ang Law Enforcement Service (LES) na isumite sa Intelligence and Investigation Division (IID) ang mga rekord ng bawat apprehension, kabilang ang mga kasong tumanggi ang driver na sumailalim sa pagsusuri, para sa kaukulang imbestigasyon.
Pinaalalahanan ng LTO ang mga motorista na tiyaking maayos ang sasakyan at sarili upang maiwasan ang mga aksidente at mapanatili ang kaligtasan ng lahat sa kalsada.