Advertisers

Advertisers

DESKRIMINASYON VS TOPS NG PSC?

0 4

Advertisers

TIYAK na di ito alam ni PSC chairman Pato Gregorio.

Alam nating pantay ang trato ng workaholic chairman sa lahat ng miyembro ng working press partikular ang PSC Media Group.

Saludo ang korner na ito sa espesyal na trato ng ahensiya sa prestihiyosong Philippine Sportswriters Association na may lingguhang PSA Forum sa media room ng admin. bldg ng PSC sa RMSC na nasa Malate.

Basta wala ka nang hahanapin pa pagdating sa akomodasyon sa naturang forum kung saan ay miyembro ang inyong kakorner.

Napapansin ng korner na ito na sobrang lamig ng asikaso ng mga taga- PSC partikular sa TOPS o Tabloids Organization in Philippine Sports.

May session day na walang available na room para sa talakayan at madalas ay iyong nasa sulok ng Rizal Coliseum ang pinagagamit.

Ok na rin sana yun dahil at least presentable pa rin pero halos ayaw pagamit ang media room na bagong gawa at state- of- the art na pwedeng ipagmalaki sa foreign media.

Madalas din umattend ang Uppercut ng TOPS at napapansin ko ang tila pilit na pagpapagamit ng media facility para sa TOPS..

Ang di ko matiis na magreak ay ang TOPS Usapang Sports kahapon sa state – of- the- art Media Room ng PSC.

Nagulat ang korner na ito dahil ongoing na ang session ay ang init at maalinsangan ang mamahaling kuwartong iyon.

Tagaktak agad ang pawis ng Uppercut at tiyak na gayundin ang guests mula Philippine Underwater Hockey pero ok lng sa kanila dahil sanay sila sa pawis bilang atleta.

Sira daw ang battery ng aircon na nasa loob ng bagong gawang media room. Well kung walang aircon, bentilador man lang sana eh alaws talaga.

Wala ring taga PSC doon pati media relations office( akala siguro nila ay di taga- media ang TOPS). Di man lang nila tiningnan ang sitwasyon ng mga mistulang nakikituloy lang na tabloid reporters sa pasilidad na iyon na di naman pag- aari ng PSC kundi ng mga Pilipinong konsernado sa estado ng sports.

Dapat ay iparating ng liderato ng TOPS ang ganitong uri ng deskriminsyong di deserve ng lahat ng mamamahayag sa larangan ng palakasan sa bansa.

Chairman Pato baka di mo alam ang mga nangyayaring ganito na gawa ng mga nakatokang kawani niyo ang ganito. Masyadong DOWN ang TOPS!

Ang kalampag na ito ng Uppercut ay di sumasalamin sa saloobin ng mga opisyal ng TOPS. Ito’y bunga ng parsonal na karanasang dapat iparating sa kinauukulan ng PSC…ABANGAN!