Advertisers

Advertisers

SO ganoon?

0 26

Advertisers

May mga kababayan tayo tulad ni Pepeng Kirat na naiinis kay Wesley So, ang chess grandmaster na kakasungkit lang ng US Open.

Ito ay dahil tinalikuran niya ang Pilipinas at sa Estados Unidos na ipinagpatuloy ang kaniyang ka-rera.

Nguni’t ayon sa sarili niyang kwento ay kung di sa bansa ni Michael Jordan ay nasa Canada na siya naninirahan ngayon. Mangyari ang pamilya niya ay nag-migrate na doon.



Oo raw natulungan siya ng isang opisyal ng chess federation ng Pinas sa pagpagamit sa isang condo nito pero nanatili ang pamilya niya sa Cavite kaya salat din siya sa family support.

Nagkataon din na wala siyang na-gets na tamang pagkilala sa NSA kasi di sanctioned ang tournament na pinagwagian.



” Medyo nawala ako sa focus dahil sa maling mga barkada. ” wika ng 33 años na si Wesley.

“Nakakuha ng athletic scholarship taong 2013 kaya sa Amerika nagkolehiyo. Tapos nakilala ang movie star na si Lotis Key na naging manager at tumayong ina ko, “dugtong ni So.



Si Lotis at asawa nitong si Bambi Kabigting ang kasama-sama niya sa mga torneo sa Minnesota kung saan sila nakabase at ibang lugar ng kaniyang sinasalihan.

Nagtiyagang alalayan at damayan siya ng dating artista at husband nitong naglaro para sa Ateneo Blue Eagles sa kanyang mga kabiguan noong una.

Nang lumaon ay umangat na siyang muli dahil sa sariling pagsisikap at pagsubaybay nina Lotis ay nagkampeon din.

Hayan ang istorya ng isa na naman nating kalahi na nilisan tayo sanhi ng kumbinasyon ng kakulangan ng suporta ng mga sports officials at gabay ng sariling kamag-anak.

***

Dalawang ulit na muntik maging kakampi ni Collin Sexton si LeBron James nguni’t hindi natutuloy.

Unan noong rookie year ni Sexton. Siya ang 8th pick ng Cleveland pero pinili naman ni James sa Los Angeles Lakers na maglaro.

Ngayong miyembro na si Collin sa LAL ay tiyempo naman lumipat si LBJ sa Philadelphia.

Sadyang hindi naka-tadhana maging team mate.

***

Parehong wala pang W ang University of the,East at San Sebastian College sa kani-kanilang mga liga.

O-9 ang Red Warriors sa UAAP habang ang Golden Stags ay 0-11 sa NCAA. Hayun kulelat ang mga dating powerhouse sa collegiate basketball.

Ang UE na eskwelahan nina Robert Jaworski, Allan Caidic at James Yap ay may 18 titulo. Pito pa dito ang sunod-sunod noong 1965 -1971. Panahon ito ni Coach Baby Dalupan

Huling kampeonato nila ay nang mga player nila ay sina Caidic at Jerry Codinera taong 1985.

Ang SSC-R naman may labing apat na korona at may five-peat nang mentor nila ay si Turo Valenzona. 1993 hanggang 1997.

2009 naman last taste nila ng championship nang miyembro pa ng team sina Calvin Abuevq at Ian Sangalang.

Ganyan talaga gulong ng buhay. Minsan nasa taas, minsan nasa baba.