Advertisers
Sa isang makabuluhang pagdalaw sa NATIONAL POLICE COMMISSION na pinamumunuan ni Commissioner Ralph Calinisan nitong nakaraang Lunes, may mensahe si PSSLAI Chairman / Chief Operating Officer Atty. Lucas Managuelod sa naganap na Monday Morning Flag Ceremony, na patuloy na susuportahan ng PSSLAI ang layunin ng Commission para sa pagpapatupad ng kanilang mandato.
“NAPOLCOM plays an essential role in strengthening police professionalism, promoting accountability and ensuring that our police service remains responsible to the needs and aspirations of our people. Our partnership with government institutions such as NAPOLCOM reflects a shared understanding that strong institutions are built not only through policies and programs but also through cooperation, mutual respect and commitment to public service.”
Bilang panauhing pandangal nuong seremonyang iyon sa punong tanggapan ng commission sa Quezon City, Ibinahagi rin ni PSSLAI Chairman Managuelod ang kahalagahan ng pagpapairal ng disiplina sa mga miyembro ng Philippine National Police at iningganyo niya ang bawat isa na tuparin ang sinumpaang tungkulin sa mamamayan at sa bayan.
Mariing sinabi ni Managuelod na ang bawat isa, mamamayan, kapulisan at pamahalaan ay may takdang tungkulin sa pagpapairal ng batas para sa ikatatatag ng pundasyon ng isang progresibo at maayos na sambayanan.
Sa pagtatapos, sinabi ni Chairman Managuelod ” PSSLAI is honored to donate a Toyota HI Ace Grandia Commuter van. This donation is more than a turnover of a vehicle. It is a gesture of goodwill and tangible appreciation of our desire to support NAPOLCOM in carrying out its important mandate.” (x)