Advertisers

Advertisers

Ella Arcangel’ pangbukas-pelikula sa QCinema 2026; tampok ang local at foreign films

0 27

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

Bubuksan ng animated film na Ella Arcangel: Ballad of Tooth and Claw ang ika-14 na QCinema International Film Festival, na gaganapin mula Nobyembre 13 hanggang 22, 2026, sa limang screening venues sa Metro Manila.

Sa direksiyon ni Mervin Malonzo, tampok sa pelikula ang 12-anyos na si Ella, isang batang mambabarang na lumalaban sa masasamang espiritu habang hinaharap ang karahasan at pang-aabuso sa kapangyarihan sa kaniyang komunidad. Batay ito sa komiks ni Julius Villanueva, at si Bianca Umali ang nagbibigay-boses sa pangunahing karakter.



Magsasara naman sa festival ang Look Back, ang live-action adaptation ng manga ni Tatsuki Fujimoto na idinirehe ng Japanese filmmaker na si Hirokazu Kore-eda.

Sa temang “Genre’teurs,” tampok sa QCinema 2026 ang mga pelikulang pinagsasama ang iba’t ibang genre at malikhaing pananaw ng mga direktor mula sa Pilipinas at iba’t ibang panig ng mundo.



Kabilang sa mga pelikulang mapapanood ang Ella Arcangel: Ballad of Tooth and Claw, Look Back, 9 Temples to Heaven, A Girl Unknown, Fujiko, Fruit Gathering, Hearing, The Burning Giants at The World Before sa Asian Next Wave competition.

Sa New Horizons naman, kabilang ang Angh, Baby Jackfruit, Baby Guava, Beach Fictions, Furies, La Gradiva, Sad Girlz, The Color of the Sun at We Are Aliens.



Itatampok sa RainbowQC ang mga kuwentong LGBTQIA+ sa pamamagitan ng Big Little Things, Flesh and Fuel, I Rarely Wake Up Dreaming, Jim Queen, Little Trouble Girls, Lovers in the Blue Night, Teenage Sex and Death at Camp Miasma at The Riverbank.

Kabilang din sa mga tampok na pelikula sa iba’t ibang exhibition section ang A Long Winter, Fatherland, Fjord, Makikiraan Po, Nowhere to Lay My Eyes, The Beloved, Vintage Violence, Amores Perros, Batang West Side, Patay na si Hesus, Perfect Blue, Possession, Moonglow, I Love Paris at The Unknown.

Para naman sa mga dokumentaryo, kabilang sa lineup ang Bomba Bernal, To the Moon and Back, The Illusion of an Everlasting Summer at Union Town.

Mayroon ding QCShorts International, na magtatampok ng maiikling pelikula mula sa Pilipinas at iba pang bansa sa Southeast Asia, kabilang ang And If Thuy Didn’t Exist, Body Works, Is This Desire?, Run Shirley Run!, Grandmothering (Gandang Lola), Sana’y Nandito Ka at They Made Monsters.

Patuloy ding ipinagdiriwang ng festival ang pagkilala sa Quezon City bilang UNESCO Creative City of Film.

P200 lamang ang bawat tiket para sa lahat ng screening, na gaganapin sa Gateway Cineplex 18, Robinsons Movieworld Galleria, Ayala Malls Cinemas TriNoma, Fisher Box Office at SM Cinema–SM City Fairview.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang qcinema.ph o sundan ang @qcinemaph sa Facebook, Instagram at X.