Advertisers
NOONG Huwebes, nilinaw ng top management ng pinagpipitagang Philippine Daily Inquirer (PDI) na hindi ako naging empleyado o kolumnista ng pahayagan. Ako ay isang contributor lang na nag-ambag ng ilang piyesang opinyon na nalimbag sa pahayagan. Nilinaw rin ng PDI na wala sa kanilang pag-iingat ang anumang impormasyon tungkol sa akin.
Iyan ang sinabi ko sa tuwing ako’y tinatanong ng mga kasamahan sa mass media kung ano ang kaugnayan ko sa PDI. Ang address kasi ng PDI ang ginamit ni Manash Carpio, maybahay ni Misfit Sara, sa kanyang cyberlibel complaint laban sa akin. Ito ang ginamit ng Davao City RTC Branch 10 bilang aking address sa reklamo.
Sa isang ulat ng PDI (hindi ko matandaan kung Lunes o Martes), tinanong ng isang reporter ng PDI ang kanilang mga security guard kung nakatanggap sila ng anumang summons o subpoena mula sa kampo ni Manash mula sa Davao City Prosecutor’s Office na humihingi ng aking sagot sa sakdal na iniharap ni Manash laban sa akin.
Ayon sa mga security guard ng PDI, walang silang natatandaan na may ipinadalang summons o subpoena sa akin na gamit ang address ng PDI. Kung mayroon man, hindi maaaring hindi nila ipaalam ang ganyan sa management. Seryosong bagay ito upang hindi na ipaalam sa management ng pahayagan.
Isa ito sa mga isyu kung bakit naisip ko na special operations ang ginawa nilang pagdakip sa akin noong Sabado (Okt. 20). Hindi ayon sa tamang proseso ang pag-aresto sa akin. Dinakip ako ng pulis sa bisa ng e-warrant.
Hindi ko alam kung bakit may sakdal akong cyberlibel dahil walang kasamang information ang arrest warrant. Mas lalong hindi sinabi kung sino ang nasasakdal sa akin. Nalaman ito ng aking manananggol na si Dino de Leon noong Lunes, o dalawang araw pagkatapos ng padakip sa akin, na si Manash pala ang complainant.
Ito ang labis na ipinagtataka ni Dino. Sa isang pulong balitaan noong Miyerkoles, binanggit niya na mabilis akong dinakip ng mga pulis at pinosasan kahit ako’y 72 anyos na hindi tatakas at tatakbo kahit na hindi hindi heinous crime ang parating sa akin ni Manash.
Kabaligtaran ang trato ng pulis kay Misfit Sara na hindi pinosasan, o dinakip ng mga pulis isang araw pagkatapos iniutos ng korte ang pag-aresto sa kanya. Mistulang diyosa ang trato ng pulis sa kanya. Kahit na nagbunganga pa siya.
***
IPINADALA sa akin ng isang netizen na sumubaybay sa sakdal laban sa akin:
“According to the Philippine National Police (PNP) Operational Procedures Manual, an accused individual does not legally need to be handcuffed to be considered under arrest. Handcuffs serve as a precautionary tool to prevent escape or injury, rather than an automatic requirement for every arrest scenario. [1, 2, 3]
“Assessing Vulnerable Groups (Elderly and PWD)
“When dealing with senior citizens (governed by the Expanded Senior Citizens Act) and PWDs (protected under the Magna Carta for Persons with Disabilities), law enforcement officers are trained to exercise heightened discretion and compassion.”
Ayon sa nagpadala: “The QCPD who ordered the serving of your WA should be questioned who told him to serve the WA on a weekend! I suspect there are DDS or in the payroll of the Duterte family.”
Sabi ko, alam ito ng mga mga manananggol. Sila ang bahala kung ano ang susunod na gagawin. Kaya pala, nagalit ang isang pulis nang ihayag ni Dino sa mga mamamahayag na ako’y kanilang dinadakip. Ngayon, bigla silang tumahimik. Parang sementeryo sa katahimikan.
***
ISINULAT ko ito noong 2020.
In many greetings to fellow netizens, I use the word “mabuhay” or long live. It’s viva in Spanish, vive in French, or banzai in Japanese. It’s a greeting, a way to establish rapport with other people, or rekindle friendship and camaraderie with friends, including those who have been away.
But mabuhay is not only for greeting; it is also used to wish our friends well. It’s also the equivalent of salud in Spanish, or salut in French. I don’t know its equivalent in Japanese. Imagine having a single word for greeting and well wishing!
That’s the beauty of the word mabuhay. Aloha in Hawaiian Polynesian could be used to greet, wish, or bade goodbye. Almost the same as shalom in Yiddish. We don’t use mabuhay to say goodbye. We use the Tagalog “paalam,” the English “good bye,” or the Spanish “adios.” Certain words have their versatility, when used in communicating to other people …