Advertisers
Mula sa post ng The Daily Netizen:
MAGKAIBANG kampo ang kapansin-pansin nitong Huwebes, September 3, sa court room ng Sandiganbayan. Kabuiang dito sina Senador Jinggoy Estrada, at sa kabilang side sina Sen. Rodante Marcoleta, dating mambabatas Mike Defensor at iba pa nilang co-accused.
Parehong may kani-kaniyang legal battle na kinakaharap ang mga ito.
Dumating sa Sandiganbayan si Jinggoy para sa kanyang arraignment sa plunder at graft cases.
Kapansin-pansin: hindi na siya naka-wheelchair. Nakasaklay na lamang siya nang dumating sa korte. Amazing! Hehehe…
Pero nang oras na para sa plea, tumanggi si Jinggoy na personal na pumasok ng plea sa kanyang mga kaso.
Kaya ang Sandiganbayan Fifth Division na mismo ang nagpasok ng “NOT GUILTY” plea para kay Jinggoy, alinsunod sa Revised Rules on Criminal Procedure.
Samantala, sinabi ni Jinggoy na “he will exhaust all legal remedies” habang nilalabanan niya ang mga kasong isinampa laban sa kanya kaugnay ng flood control scandal.
Kasunod ito ng pagtanggal ng Sandiganbayan kay dating DPWH Secretary Manuel Bonoan bilang co-accused sa kaso. Safe na si Bonoan. State witness na kasi siya. Tama ba ito?
At tungkol naman sa kanyang kaliwang tuhod?
Ayon kay Jinggoy, siya na ang magdedesisyon kung tutuloy siya sa surgery. Putulin nalang kasi. Hehehe…
Sa kabilang banda, dumating sa Sandiganbayan Third Division si Sen. Rodante Marcoleta, kasama sina dating Congressman Mike Defensor at dalawa pa nilang co-accused businessmen.
Sila ay humarap sa unang araw ng bail hearings kaugnay ng plunder case na may alegasyon tungkol sa hindi pagdeklara ng P75 million campaign donations.
At may sariling medical issue rin si Marcoleta. Pero kaya niyang humarap sa mga pagdinig, sabi ng duktor sa PGH na sumuri sa kanya.
Pinayagan siya ng korte ng one-day medical furlough para magpagamot kaugnay ng kanyang medical conditions, kabilang ang hypertension at dyslipidemia.
Pagkatapos ng medical treatment, inaasahang babalik siya sa Quezon City Jail Male Dormitory.
Kaya kakaiba ang eksena sa Sandiganbayan nitong Huwebes:
Jinggoy – arraignment.
Marcoleta – bail hearing.
Parehong senador. Parehong may kinakaharap na mabibigat na kasong walang piyansa.
Pero hindi na bago si Jinggoy sa ganitong kaso. Pangatlong beses n’ya na ito eh. Napaka-kapal na ang mukha niya. Hehehe…
Subaybayan!