Advertisers

Advertisers

Arci Muñoz game maging mommy kahit single pa rin

0 79

Advertisers

By Anne Venancio

Aminado si Arci Muñoz na bukas siya sa posibilidad na maging isang ina kahit wala pa siyang partner.

Sa interbyu sa vlog ng broadcast journalist na si Karen Davila, tapat na inilahad ng 37-year-old actress na mas tanggap na niya ngayon ang kanyang single status, ngunit hindi pa rin sarado ang pinto para sa pag-ibig.

Sa interview, sinabi ni Arci na hindi na niya aktibong ipinagdarasal ang pagkakaroon ng partner. Mas kalmado na raw ang kanyang pananaw sa buhay pag-ibig—kung darating, welcome; kung hindi, tatanggapin niya ito. Ayon sa aktres, ayaw na niyang ipilit ang anumang relasyon at mas naniniwala siya na darating ang tamang tao sa tamang panahon, kaya hindi na niya ito pinagtutuunan ng malaking pansin ngayon.

Mas naging open din siya sa usapin ng motherhood. Inamin niya na naiisip niyang mag-isa na lamang magkaanak at pinag-iisipan ang egg freezing bilang option para sa future. Bagama’t may agam-agam ang kanyang ina, malinaw sa kanya ang kagustuhang magkaroon ng sariling pamilya balang araw, na inspirasyon niya ang kanyang mga pamangkin na nagbibigay ng saya sa kanyang buhay.

Binalikan din ni Arci ang kanyang mga pinagdaanang heartbreak at ang pagpanaw ng kanyang ama na si Manuel Ramon Muñoz noong 2016. Ayon sa kanya, ang mga karanasang ito ang nagturo sa kanya na pahalagahan ang buhay, mag-focus sa kasalukuyan, at mas i-enjoy ang bawat sandali.